SHOCK: Vice Ganda Real took revenge on Si Cristy 'Fermin' right at showtime, netizens were haunted when witnessing it/hi - News

SHOCK: Vice Ganda Real took revenge on Si Cristy &...

SHOCK: Vice Ganda Real took revenge on Si Cristy ‘Fermin’ right at showtime, netizens were haunted when witnessing it/hi

Vice Ganda Ni-Real Talk Si Cristy ‘Fermin’ Sa It’s Showtime

Tila nakaganti ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Veteran Showbiz Columnist na si Cristy Fermin na ilang beses ding pumupuna sa kanya.

 

Si Vice Ganda naman ang naka-iskor ngayon kay Cristy Fermin ng pagkatuwaan niya ang isang contestant sa It’s Showtime na may pangalang Cristy.

Sa isang segment ng It’s Showtime na Mechus-Mechus may isang contestant na nagngangalang Cristy, dahil dito, hindi na nagpapigil pa si Vice Ganda na magpasaring kay Cristy Fermin. Habang kaharap ang Cristy ng contestant nila.

Ayon kay Vice Ganda, “Kumusta ka Cristy? Ano ang pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan.”

Napahiyaw at nagtawanan naman ang mga madlang pipol sa naging pahayag na pasaring ni Vice Ganda laban kay Cristy Fermin. Maging ang kanyang co-host na si Vhong Navarro ay hindi maipinta ang kanyang reaction.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga taong pumupuna kay Vice Ganda.

Sa katunayan, karamihan sa mga topic sa pag-uusap nina Cristy Fermin sa kanyang vlog si Vice Ganda.

Kamakailan lamang, pinuna ni Cristy Fermin ang pakikitungo ni Vice Ganda sa isang audience sa It’s Showtime na humingi ng picture rito.

Gayunpaman, kaagad na rumesbak ang mga madlang pipol at ipinunto nila kay Cristy Fermin na nakikipagbiruan lamang si Vice Ganda sa nasabing audience kaya naman hindi na umano ito dapat na siniseryoso.

Sa kabilang banda, wala pang tugon si Cristy Fermin sa hirti na ito ni Vice Ganda laban sa kanya.

Gayunpaman, inaasahan na ngayon ng mga madlang pipol na reresbak si Manay Cristy Fermin sa pasaring ni Vice Ganda laban sa kanya. Sigurado umanong may ilalabas na naman itong puna laban kay Vice Ganda.

Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa isyung ito.

“lafttip yung cristy sinungaling 🤣🤣🤣”

“ang unfair nmn ng mechoose … ung iba ngkaron ng chance … samantlng ung dalawang pair wlaa ng chance😞😞😞pnget nmn ng rules dahil overtime na😣😣😣”

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…