Shaira Diaz, kinumpirma ang petsa ng kasal nila ni EA Guzman
Julia Montes, kasama sa mga abay sa kasal nina Shaira Diaz at EA Guzman.
Kinumpirma ni Shaira Diaz sa Cabinet Files na magaganap sa Agosto 2025 ang pag-iisang dibdib nila ni Edgar Allan “EA” Guzman sa isang simbahan sa Silang, Cavite.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Shaira matapos ang live guesting nila ni Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Enero 15, 2025.
Nag-promote ang dalawa ng Lolong: Bayani ng Bayan, ang kanilang action-drama series na mapapanood sa GMA-7 simula sa Lunes, Enero 20.
Ibinahagi ni Shaira na sa South Korea niya bibilhin ang wedding gown na kanyang gagamitin sa importanteng araw sa buhay nila ni EA.
Paliwanag niya, ”Sobrang love ko yung Korea, yung culture nila.
“Mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, kay Jungkook [ng BTS], so parang gusto kong lagyan ng very personal sa akin.”
SHAIRA-EA WEDDING ENTOURAGE
Isa si Boy Abunda sa mga kumpirmadong ninong sa kasal nina EA at Shaira.
Secondary sponsors naman ang Unang Hirit co-hosts ng aktres na sina Anjo Pertierra at Kaloy Tingcungco, at ang mga kaibigan niyang sina Julia Montes at Arra San Agustin.
Sa panayam sa kanya ni Boy, sinabi ni Shaira na isang intimate wedding ang mangyayari.
Hindi raw puwedeng mawala ang mga taong malapit sa puso nila ni EA na saksi sa pagsisimula ng kanilang pagmamahalan.
Natutuwa si Shaira dahil ipinapaubaya sa kanya ni EA ang mga paghahanda para sa nalalapit na pagpapakasal nila.
“Nakakatuwa kasi hinahayaan lang niya ako kung may idea ako na nakikita ko na gusto kong makita sa wedding namin, sine-send ko sa kanya, ipinapakita ko at nagye-yes lang siya.
“Kasi, sabi niya nga, ‘Yung kasal is para sa bride talaga.’
“Parang yun ang day ng bride so ibinibigay po niya sa akin yon. Walang away, walang pressure, walang stress,” sabi ni Shaira.
May payo rin si Shaira kay Ruru tungkol sa isyu ng engagement at pagpapakasal: “Lagi kang makikinig sa gusto ni Bianca. Huwag mo nang tanungin kung bakit.”
Ang “Bianca” na tinutukoy ni Shaira ay ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load