‘Even Dogs Feel Pity!’ – Daniel Was Pushed Off A Cliff By Anthony, Silently Enduring Humiliation!, a provocation that shocked the whole country... - News

‘Even Dogs Feel Pity!’ – Daniel Was Pushed Off A C...

‘Even Dogs Feel Pity!’ – Daniel Was Pushed Off A Cliff By Anthony, Silently Enduring Humiliation!, a provocation that shocked the whole country…

‘Pati aso dinamay!’ Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

Nakakaloka ang mga netizen sa social media kaugnay sa mga male celebrity na mahilig daw sa aso, na anila, ay maituturing daw na “walking red flag” pagdating sa relasyon.

Nasa kontrobersiya ngayon ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings matapos isiwalat ng kaniyang ex-girlfriend na si Jan Villanueva ang ilang mga screenshot ng pag-uusap umano nila ng katambal na si Kapamilya actress Maris Racal, na nagpapakita umano ng “cheating” sa kanilang relasyon, na nagbunsod kung bakit nakipaghiwalay siya sa aktor.

Matapos pag-usapan ang intriga, iniugnay naman si Anthony sa kaniyang “Incognito” co-star na si Daniel Padilla, na nalagay rin sa kontrobersiya matapos naman ang naging hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Napansin ng mga netizen na pareho daw mahilig sa aso ang dalawa.

Ginawan pa nga ito ng meme ng isang sikat na Facebook page na “Follow The Trend Movement” o FTTM.

“pass na po muna sa may aso,” mababasa sa kanilang caption.

Matatandaang nag-trending noon ang naging mga pahayag ni Daniel patungkol sa media conference ng serye nila ni Kathryn na “2 Good 2 Be True” kung saan natanong sila kung sino para sa kanila ang pinaka-loyal.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang isinagot ni Daniel ay ang alagang asong si Summer.

“Alam mo sinong pinaka-loyal? ‘Yong aso ko si Summer,” sagot ni DJ.

Nang mga sandaling ito, dito na nakatunog ang KathNiel fans na may “something” sa relasyon ng dalawa.

Kay Anthony naman, binalikan ng mga netizen ang isa sa mga larawan nila ni Jam Villanueva habang may kasamang aso.

Inilakip naman ito sa naging kontrobersiyal na mensahe ni Maris kay Anthony sa isa sa mga screenshot, na niyayakap daw ng mga aso ang damit ng kanilang mga amo kapag nami-miss nila, kagaya ng ginagawa niya sa naiwang sweater nito, na naiwan sa kuwarto niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Si Summer pinakaloyal diyan…”

“Kaya nga sabi diba get a guy na cat person.”

“Kinalaman ng mga aso sa amo nilang mga ungas”

“Kawawa naman mga aso na yan…”

“Buti na lang cat lover kami”

“Basta mga dog lover talaga…”

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Daniel at Anthony patungkol dito.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…