Andrew Gan
Ronaldo Valdez

Andrew Gan treasures his friendship with the late veteran actor Ronaldo Valdez. Up to now, he cherishes the late actor’s sage advice. He says, “Yung una dun yung matuto ka makisama, matuto kang makisama sa mga tao. Ang sinasabi niya laging mahalin mo yung family mo, kasi hindi every time nandiyan iyan.” 
PHOTO/S: Andrew Gan Calupitan on Facebook

Marahil ay may mga hindi nakakaalam na malapit na magkaibigan sina Andrew Gan at Ronaldo Valdez.

Andrew Gan
Ronaldo Valdez

Andrew Gan with the late veteran actor Ronaldo Valdez who passed away on December 17, 2023. 
Photo/s: Andrew Gan Calupitan on Facebook

Kaya naman labis ang pagdadalamhati ni Andrew noong pumanaw si Ronaldo sa loob ng kanyang tahanan sa New Manila noong Disyembre 17, 2023 dahil sa tama ng baril.

Andrew Gan
Ronaldo Valdez

Andrew and best buddy Ronaldo Valdez sharing a rare bonding moment 
Photo/s: Andrew Gan Calupitan on Facebook

Tinanong namin si Andrew kung ano ang mga hindi niya makakalimutan tungkol sa beteranong aktor.

Lahad niya, “Sa mga hindi po nakakaalam, kasi lumaki ako na single parent yung mom ko. Siya yung bumuhay, siyempre with the help of my aunties and uncle, ganun.

“Si Tito Ron kasi for me, parang second father ang tingin ko sa kanya.

“Nakaka-miss nga minsan kapag mag-aaya yun 5pm pa lang, ‘Andrew, nasaan ka? Inom tayo’, tapos yung message niya jejemon pa,” at tumawa si Andrew.

Andrew Gan
Ronaldo Valdez

One of Ronaldo’s last messages to Andrew

“Tapos, nag-Baguio pa kami nung birthday niya, apat kami.”

ANDREW TREASURES LOLO SIR’S SAGE ADVICE

Ano ang mga hindi niya makakalimutan na mga nasabi nito sa kanya na mga payo?

Aniya, “Yung wisdom, at yung una-una dun yung matuto ka makisama, matuto kang makisama sa mga tao.

“Iyon yung talagang tumatak sa akin, kasi siyempre galing na kay Tito Ronaldo Valdez na ilang dekada na sa atin.

“Ang sinasabi niya laging mahalin mo yung family mo, kasi hindi every time nandiyan iyan.”

Andrew Gan

Andrew regrets not having given this twinning gift to his ‘beer buddy’

Paano sila nagkaroon ng connection ni Ronaldo na humantong sa malapit na pagkakaibigan?

“Sa isang show, sa 2 Good 2 Be True, yung sa KathNiel.”

Ang 2 Good 2 Be True ay ang 2022 romance-drama series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Kapamilya Network.

Nasundan pa raw iyon ng isang pelikula kung saan muli silang nagkatrabaho ng beteranong aktor.

“Tapos after nun, Ikaw at Ako naman na dinistribute din ng Viva Films, Paolo Contis and Rhian Ramos.”

Tinanong naman namin ang hunk Viva actor kung may lovelife ba siya.

“I’m happy and contented sa buhay,” ang tumatawang sambit nito.

ANDREW NOT YET READY TO ENTER POLITICS

Uso sa mga artista ang tumatakbo tuwing eleksyon kaya tinanong namin si Andrew kung pumasok ba sa isip niya ang maging public servant?

“Actually yun nga, last year kinakausap ako ng mga kaibigan ko sa politics na gusto nila akong patakbuhin na councilor,” pakli ni Andrew.

“Pero ako parang feeling ko hindi pa ready yung character ko, pero hindi ko kino-close ang any door.

“Malay natin, di ba, sa next election, baka.

“At saka ako gustung-gusto ko talaga yung nakaka… genuinely ha, na nakakatulong sa tao, kasi iba yung pakiramdam, priceless.

“At naniniwala ako pag ginawa mo yun iba yung balik sa ‘yo.”

ANDREW SIGNS UP WITH VIVA

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrew sa contract signing niya sa Viva Boardroom nitong October 10 sa Tektite Tower sa Ortigas.

Co-managed si Andrew ng Viva at ng talent manager na si Tyrone James Escalante ng TEAM o Tyron Escalante Artists Management.

Sa TEAM ay “kapatid” niya as talent sina Jane de Leon at Kelvin Miranda, among others.

Isang Christmas episode ng Regal Studio Presents ang pagsasamahan nina Andrew at Kelvin kung saan gaganap sila bilang magkapatid.

Samantala, bukod sa pag-aartista ay isa ring negosyante si Andrew. Siya ang may-ari ng Releaf Massage and Nail Spa na matatagpuan sa 3rd floor ng Arbortowne Plaza sa Gen T. Karuhatan, Valenzuela City.

ANDREW TAKES STOCK OF SHOWBIZ CAREER

Anim na taon na sa showbiz industry si Andrew at sa tanong kung nababagalan ba siya sa takbo ng kanyang career.

Pahayag niya, “Kung ako tatanungin oo, parang naano, pero naniniwala pa rin ako na lahat tayo may kanya-kanyang timing, lahat tayo may kanya-kanyang break.

“In God’s time lahat iyan ibibigay Niya kapag ready na tayo, ready na yung character natin, ready na talent natin, ibibigay po Niya iyan.

“And naniniwala ako na if para sa iyo, kahit sino pang humarang, para sa iyo iyan.”

Ano ba ang gusto niya, mas sumikat pa o mas makilalang mahusay na aktor?

“Ako, mas makilalang mahusay na actor,” pakli ni Andrew.

“Strong character actor na puwedeng magbida sa pelikula, puwedeng mag-second lead sa series, ganun.

“Hindi ko na po hinahangad yung maging matinee idol, parang okay na po ako dun.”

ANDREW READY TO DO DARING ROLES?

Since mapapanood na rin siya sa VivaMax, may male stars ang VivaMax na game sa sexy scenes na all out, kaya rin ba iyon ni Andrew?

“Siguro po right material, pag right material puwede pong pag-usapan.”

“Kasi like yung BL na ginawa ko back in 2021, may kissing scene yun with Jomari Angeles. Hindi ko naman na-imagine na gagawin ko yun sa buhay ko, pero napa-yes ako kasi maganda yung material.”

Ang tinutukoy ni Andrew ay ang Boys Love online series na Limited Edition na ipinalabas sa Bragais TV YouTube channel.