Kathryn Bernardo, nasa unfollowing spree; unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla along with actresses Gillian Vicencio, Julia Barretto, and Liza Soberano on Instagram
Tila seryoso na sa pagmo-move si Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ng aktor na si Daniel Padilla.
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag-a-unfollow n’ya sa Instagram account ng dati n’yang kasintahan.
Matapos kasi ang mahigit isang buwan mula nang aminin nila sa publiko na natapos na ang 11 years nilang relasyon, heto’t napansin na ng netizens na hindi na pina-follow ni Kathryn ang IG account ni Daniel.
SCREENSHOT: @bernardokath on Instagram
“No looking back, only moving forward.[Rainbow emoji],” pahayag ni Kath sa post n’ya that day.
Bago ang pag-unfollow ni Kath sa social media account ng aktor, namataan pa sila ng publiko nitong Sabado, January 6, nang um-attend sila sa kasal ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo.
Samantala, maliban kay Daniel, in-unfollow na rin ni Kathryn ang iba pang aktres na sina Gillian Vicencio, Julia Barretto, at Liza Soberano na palaisipan ngayon sa netizens kung ano ang dahilan.
SCREENSHOT: @bernardokath on Instagram
SCREENSHOT: @bernardokath on Instagram
SCREENSHOT: @bernardokath on Instagram
Ganu’n pa man, suportado nila ang desisyong ito ng aktres lalo na kung makakatulong daw ito sa kanyang healing at pagmo-move on.