Bini (L) wins three awards, while Joshua Garcia gets two awards at Star Magical Christmas 2024.
PHOTO/S: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Umulan ng mga parangal sa naganap na Star Magical Christmas 2024 ngayong gabi, November 24, 2024, sa Solaire Resort North sa Quezon City.
Ilan sa mga ipinamigay na awards ng Kapamilya network sa mga talents under Star Magic ay ang Cinema King and Queen, Breakthrough Artist of the Year, Star Magic Artists of the Year, Breakthrough Love Team of the Year, Valor Award, at ilang loyalty awards.
Ang ball na ito ay taun-taong charity event ng Star Magic at ABS-CBN for the benefit of Bantay Bata 163.
Star Magical Christmas 2024 LOYALTY AWARDS
Unang ipinamigay ang mga loyalty awards para sa mga talents na umabot na ng 20 years sa pamunuan ng Star Magic.
Kasama rito ang tatlong celebrities na nagsimula sa Goin’ Bulilit: sina Sharlene San Pedro, CJ Navato, at Nash Aguas.
(L-R) Goin Bulilit alum Nash Aguas, Sharlene San Pedro, and CJ Navato at Star Magical Christmas 2024
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Sa acceptance speech ni Sharlene, nagpasalamat siya sa mga haligi ng Star Magic at ABS-CBN na sina Direk Laurenti Dyogi, Cory Vidanes, Charos Santos, at Carlo Katigbak.
“Hindi na ako kasing-active as before sa showbiz, but I know in my heart that the 20 years that I’ve spent in this industry have been instrumental in shaping my journey. At kung wala yung mga yun, I wouldn’t be who I am today,” saad ni Sharlene.
Pahayag namin ni CJ, “This year has been the craziest for me kasi 20 years and I finally understand why I’m here.”
Nagpasalamat naman si Nash sa pumanaw nang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.
“Sir Deo, na unang show ko, bungal pa ako, kakatanggal pa lang ng milk teeth. Tapos naabutan mo akong naging batang ama. Tapos naabutan mo akong Calvin sa The Good Son,” sabi ni Nash.
Noong 2014 ay ginampanan ni Nash ang role na batang ama sa seryeng Bagito.
STAR MAGIC’S VALOR AWARD
Pinarangalan naman si Gerald Anderson ng Valor Award para sa kanyang kabayanihan.
Gerald Anderson wins Valor Award at Star Magical Christmas 2024.
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Si Gerald ay isang reservist sa Philippine army. Na-promote din siya bilang auxiliary captain sa Philippine Coast Guard noong November 13.
Get to know the newest PBB Big Winner, Sofia “Fyang” Smith | PEP Hot Story
Isa ang aktor sa mga handang tumulong sa pag-rescue sa mga biktima ng bagyo at baha.
Sa kanyang speech, bukod sa mga ABS-CBN bosses ay pinasalamatan din niya ang kanyang mga magulang.
“I wanna say thank you sa mga magulang ko for instilling values in me. Sa aking mama, siya talaga yun, e. Siya talaga yung matulungin sa ibang tao,” sabi ng Kapamilya actor.
SPECIAL AWARDS
May ilan ding Kapamilya celebrities na nanalo ng special awards.
Nanalo ng Ring Light Radiance o Belle of the Evening award sina Belle Mariano at ang BINI.
Panalo ng Breakthrough Love Team of the Year award sina Maris Racal at Anthony Jennings, na parehong hindi nakadalo sa Star Magical Christmas 2024 dahil nasa taping sila.
Si Joshua Garcia ang Best Dressed male celebrity, at si Jane Oineza naman ang Best Dressed female celebrity.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Jane Oineza (L) and Joshua Garcia win Best-dressed Stars
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Whimsical Look award naman ang napanalunan ni Kai Montinola, na nakasuot ng snowflake costume.
Kai Montinola (L) and Belle Mariano win awards at Star Magical Christmas 2024
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Ang Life of the Party award ay natanggap ni Angeline Quinto, na naka-Mariah Carey costume.
Angeline Quinto wins Life of the Party award at Star Magical Christmas 2024.
Photo/s: @loveangelinequinto on Instagram
BINI GETS TWO AWARDS
Nasurpresa naman ang BINI nang tawagin sila para tanggapin ang Breakthrough Artist of the Year Award.“Kinakabahan ako,” bungad ni BINI Jhoanna sa acceptance speech on behalf of the nation’s girl group.
Jhoana of Bini at Star Magical Christmas 2024
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Pagpapatuloy niya, “Sobrang laking bagay po nitong award na ito sa amin. Parang bumabalik lang yung mga moments nung nag-debut kami.
“We debuted in the middle of the pandemic. Nung nag-shutdown yung ABS, na hindi namin alam kung saan kami pupunta.”
Nagpasalamat siya sa mga bosses nila sa Star Magic at ABS-CBN, lalo na kay Direk Laurenti Dyogi.
“To our tatay, Direk Lauren, thank you so much po sa paglaban para sa BINI,” sabi ni Jhoanna.
Bini wins Breakthrough Artist of the Year and Star Magic Artist of the Year awards.
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Ang BINI rin ang nakakuha ng Star Magic Artist of the Year award.
Pinagbotohan ng publiko ang award na ito, at nakalaban ng girl group para sa parangal sina Melai Cantiveros, Maymay Entrata, ang love team nina Maris Racal at Anthony Jennings, at ang Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4 na sina Fyang Smith, Kai Montinola, Rain Celmar, at Kolette Madelo.
RECORD- BREAKING CINEMA KING
Sumunod namang tumanggap si Joshua Garcia ng Record-Breaking Cinema King Award para sa mataas na kinita ng pelikula niyang Un/Happy for You.
Sa katunayan, 20.5 million persos ang opening day gross ng romantic drama movie na ito. Naabot din ng pelikulang ito ang 450-million-peso worldwide gross.
Joshua Garcia wins Record-Breaking Cinema King award.
Photo/s: Screen Grab from Star Magic on YouTube
Sa kanyang acceptance speech, hindi kinalimutang banggitin ni Joshua ang kanyang leading lady sa pelikula na si Julia Barretto.
Pinasalamatan din niya ang Star Cinema at ang direktor ng pelikula na si Petersen Vargas.
RECORD-BREAKING CINEMA QUEEN
Samantala, si Kathryn Bernardo naman ang tumanggap ng Record-Breaking Cinema Queen Award.
Tatlo na ang pelikula ni Kathryn na kumita ng higit sa 800 million pesos: ang The Hows of Us, Hello, Love, Goodbye, at Hello, Love, Again.
Hindi nakadalo si Kathryn sa ball dahil nasa U.S. siya para mag-promote ng Hello, Love, Again, kung saan katambal niya ang Kapuso actor na si Alden Richards.