HOT: Ogie Alcasid, “RE-TAUGHT” Ryan Bang in It’s Showtime, things got more tense when Ryan stubbornly did this…

Ogie Alcasid, may PATAMA kay Ryan Bang | It’s Showtime

Malas ang maniwala sa malas. Always choose to look at the bright side. Ang panlaban sa negativity, simple lang naman. Ngiti ka lang at mag-isip ng magagandang bagay na magpapagaan sa ‘yong pakiramdam.

Perfect pampakalma ang masayang jamming with Teddy Corpuz and his banda. May kwento ang Rocksteddy tungkol sa kanta nilang nakaka-eyyy!

Napakanta rin si Ogie Alcasid. Pero ang on-the-spot composition n’ya tungkol sa jacket na mukhang kurtina, parang may pinatatamaan ‘ata? Ayun, si Ryan Bang, umaray nga!

Kumukutikutitap ang paligid. Simoy ng hangin ay kay lamig. Pasko na kaya’t maghahari ang happiness at pag-ibig!

Mundo man ay walang kasiguraduhan, bawat breadwinner ay naghahanagad ng kapanatagan. Sa “And The Breadwinner Is,” si Regine Velasquez ang huhula kung sino sa tatlong trabahador ang breadwinner insurance agent. Si Asia’s Songbird, maagang naging breadwinner dahil sa hirap ng buhay. Pero ang kwento n’ya, nagtapos sa tagumpay, dahil sa pagtutulungan ng pamilya, at pagmamahal ng mga kapatid at magulang na pinahalagahan ang lahat ng kan’yang ibinigay. At sa lahat ng breadwinner, mayro’n siyang mahalagang paalala.

Matalas ang instinct ni Asia’s Songbird, kaya sa larong ito nag-soar high siya sa panghuhula. Tumpak ang pinili n’ya, si Breadwinnable 2, Allan.

Breadwinner for 15 years! Biro ni Allan, naubos na ang buhok niya sa tindi ng stress at hirap na pinagdaanan. Ganyan ang mindset! GV-GV lang! Positive thoughts produce positive outcome. Ginamit ni Allan ang God-given skills to provide for his family, at mapatigil na ang ama sa pagta-taxi driver.

Bilang breadwinner, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na ang ‘yong pinagpaguran para sa iba ay napahahalagahan. “Hindi ko siya tinitingnan na responsibilidad kasi kung mahal mo ang pamilya mo, hindi siya magiging responsibility, kundi out of pure love,” pagbabahagi ni Allan. Kaya huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang kwento mo’y maaaring magtapos sa tagumpay when you think positive and have so much love to give.

Greatest performances ang ibibigay para sa pagkakataon na magtagumpay. Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” sinimulan ni Shyra Asister ng Central Philippine University ang laban. May napuna man si hurado Darren Espanto sa pagkanta n’ya ng “Tones And I,” magandang pagtatanghal pa rin daw ang kan’yang naibigay.

Nabilangan man ni Punong Hurado Ogie Alcasid, buong puso pa rin na lumaban ang pambato ng Bohol Island State University, si Jannah Fuertes na kumanta ng “Saan Darating Ang Umaga.”

Bukod sa kantahan, ma-e-enjoy mo rin ang asaran ng ‘Showtime’ family. ‘Pag Bohol ang pinag-uusapan, agad moong maiisip ang mga tarsier. Pero si Ogie Alcasid, joke na pamuksa kay Jhong Hilario ang naisip, at gaano katotoo na si Nonoy Zuniga ang nambuyo?

Matapos ang laban, si Shyra ang umangat sa tanghalan. Abangan ang kan’yang pagbabalik sa Prelims.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News