Vice Ganda, cried over the story of the ‘EXpecially For You’ searcher with Alopecia (ch)

Vice Ganda at April

Tumagos sa puso ang kuwento na ibinahagi ng ‘EXpecially For You’ searcher na si April ngayong hapon, July 19, sa dami ng pagsubok na kinakaharap sa buhay.

Working student si April na nagpa-part time work para sa inang may sakit, samantalang pumanaw naman na ang kaniyang ama.

Ibinahagi rin ng dalaga ang health condition niya sa It’s Showtime na na-diagnose na may alopecia.

Ayon sa National institute of Arthritis and Musculoskeletal and Skin Disease, “alopecia areata is a disease that happens when the immune system attacks hair follicles and causes hair loss. Hair follicles are the structures in skin that form hair.

“While hair can be lost from any part of the body, alopecia areata usually affects the head and face. Hair typically falls out in small, round patches about the size of a quarter, but in some cases, hair loss is more extensive.”

Kahit maraming pasan na hirap, kuwento ni April sa It’s Showtime, okey lang at kaya pa naman daw.

“Fight lang po, laban lang po. Kasi kung bibigay ako parang kagaya na rin ako ng Papa ko na bumigay lang ng basta-basta. Para sa mother ko po, mas nilalakasan ko ‘yung loob ko.”

Naging emosyonal din si April sa paglalahad ng epekto ng alopecia sa kaniyang self-confidence.

Maluha-luhang kuwento nito, “Malaking epekto po. Kasi minsan naka-cap ako then nakikita ko ‘yung mga tao, may mga buhok sila. Lalo na ‘yung mga classmate ko, siyempre nag-aayos sila ng buhok nila. Pero, bakit ako walang maayos sa sarili ko. Sobrang laking impact nung insecurity sa pagkatao ko.”

Binigyan ng mahigpit na yakap ng Unkabogable Star ang kanilang searcher at siya mismo ikinuwento niya ang sariling journey kung paano niya hinarap ang pagkalagas ng buhok.

“Mahirap yan, ako nga tumaas lang hairline ko grabe yung [bagsak] ng confidence. Alam ‘yun ng staff dati nung nagsisimula yung Showtime nung nalalagasan na rin ako ng buhok sa stress. Sobra ‘yung insecurity ko…. Ang tagal nung journey ko sa acceptance na ang pangit na ng buhok ko. Mao-okray ako nito. Alam mo ‘yung ‘pag bakla ka, gusto mo maganda buhok mo. Tapos bakla ka, taas-taas ng hairline mo shucks paano ako makaka-awra. Paano ako sa TV?”

Samantala, payo naman ni Vice kay April, “Nakakapraning talaga ‘yan, pero sa dulo hindi siya tungkol sa buhok e. Tungkol ‘yan sa uri ng pagmamahal na mabibigay mo sa sarili mo at sa ibang tao. At ‘yung pagmamahal na ‘yun bumabalik. May buhok ka, wala, subukan mo lang magmahal ng magmahal ng sarili mo at ng ibang tao.”

Pagpapatuloy ni Vice, “Babalik yun at ‘yung pagmamahal na ‘yun ‘pag naramdaman mo higit pa sa hibla ng buhok na puwede magkaroon ang ulo mo. Sana mapuno ka ng pagmamahal sa paligid. Sana sa bahay, sa eskuwelahan. Kahit saan ka magpunta, sana mapuno ka ng pag-ibig. Sana makakita [ka] ng isang tao na napakalalim ng puso, punong-puno ng pag-ibig na ishe-share sa’yo.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News