Alam ni Vice Ganda na may clamor sa social media para i-reformat ang It’s Showtime.
Nitong Mayo, humiling ang viewers ng It’s Showtime sa Twitter na magkaroon sana ng bagong segments at stage.
Sa pamamagitan ng hashtag na #ReformatItsShowtime, naglabas rin ng saloobin ang ilang netizens na nagmumukhang “talk show” at “luma” raw ang It’s Showtime dahil sa napapahabang usapan ng hosts sa segment na “Tawag ng Tanghalan.”
Noong June 15, 2021, humarap si Vice Ganda sa ilang editors ng 14 websites ng Summit Media para sa isang ekslusibong interview.
Dito ay tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang reaksiyon sa hinaing ng madlang pipol o ang loyal viewers ng It’s Showtime.
Ayon kay Vice, nababasa niya at ng buong team ng It’s Showtime ang “constructive criticism” ng madlang pipol sa programa.
Pero bago pa man daw magkaroon ng clamor for a reformat, nakaplano na talagang mag-introduce ng bagong segments ang Kapamilya noontime show.
Panimula ni Vice, “First, it is right that we listen to the viewers. Every now and then, we listen to them, alam naman namin iyong constructive criticisms na ibinibigay nila, we acknowledge that.
“But to be fair also with the staff and with the show, even before there was clamor already, nakikita na namin iyon.
“Kami mismo, gusto na namin ng change, gusto na namin ng bagong segments, gusto na naming mag-offer ng maraming bagay na bago.”
STUDIO REDESIGN
Subalit sa pinagdadaanang pandemya ng mundo, hindi naging madali para sa team ng It’s Showtime na ibigay ang hinihiling nilang pagbabago.
Una na rito ang sana’y pagre-redesign ng kanilang studio.
Paliwanag ni Vice, “Due to the pandemic and paiba-iba ng protocols ng quarantine, hindi namin ma-ipush iyong mga gusto naming gawin.
“Just like for the studio, it has been a major concern na mag-redesign kami ng studio. Nangyari na dapat siya bago pa mag-Holy Week.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“So noong naka-schedule siya na i-redesign noong Holy Week, nag-tape na kami ng mga ipapalabas naming mga episodes.
“Kasi iyong Holy Week naman, it’s either best of or replays ang ipinapalabas kapag Holy Week kasi di ba, para sa mga nagngingilin? O kaya walang Showtime usually.”
Bago pa man sila mag-break noong Marso, nakapagbangko na ang It’s Showtime ng episodes na ipapalabas pagkatapos ng Holy Week.
Ang set-up kasi ng It’s Showtime ngayon, sa isang linggong magla-live sila ay nagte-tape na rin sila ng episodes na ipapalabas sa mga susunod na linggo dahil kailangan nilang mag-quarantine kada cycle ng taping.
Subalit nagkaroon ng aberya sa kanilang taping noong linggong iyon pagkatapos mag-positive sa COVID-19 ang isa sa kanilang staff.
Pagbabahagi ni Vice, “So nag-tape na kami ng episodes para ipalabas after Holy Week kaya lang, noong time na nagla-live kami, kasi nagla-live kami ‘tapos nagte-tape ng episodes.
“Noong week na ginagawa namin iyon, may nag-positive sa staff. So na-expose kaming lahat na mga host.
“So kailangan naming mag-quarantine lahat. So dahil kailangan naming mag-quarantine, hindi kami nakabuo ng enough episodes.
“Dahil sa hindi kami nakagawa ng enough episodes para i-air, kailangan naming mag-live ulit.
“Iyong time na gagawin iyong studio, hindi namin nagawa kasi kailangan naming umere ng live.”
Pagkatapos ng kanilang quarantine at makapag-live na sa studio, bigla rin namang nag-declare ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong mismong Holy Week.
Dahil dito, naurong na naman ang plano sanang pagre-redesign ng kanilang studio.
“’Tapos noong nag-schedule na siya ulit na gagawin iyong bagong studio, biglang nag-ECQ. Tuwing nagba-vary siya, nagba-vary din iyong protocols, iyong sistema, kung ilan ang puwedeng pumasok sa construction. So hindi talaga siya natutuloy.”
VICE GANDA SADDENED BY “PINABAYAAN” COMMENTS
Pag-amin ni Vice, nalulungkot ang hosts at staff ng It’s Showtime sa tuwing sinasabing pinabayaan nila ang programa.
“Kapag ino-okray nila iyong studio na parang sinasabi nilang pinabayaan namin, siyempre, nalulungkot din kami kasi hindi naman nila alam iyong totoong nangyayari.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Okray sila nang okray sa programa na feeling nila, pinapabayaan namin iyong programa, hindi namin sila sinusunod.
“Kung alam lang nila iyong paghihirap ng staff ‘tapos iyong mga bagong segments, ang tagal na.”
Aminado si Vice na siya mismo, nagde-demand na rin ng bagong segments para sa It’s Showtime.
Paliwanag niya, “Ako mismo, nagde-demand ako ng bagong segments kasi siyempre naaano rin ako, [gusto ko] nae-excite din ako sa ginagawa ko kasi kapag di ako nae-excite, siyempre kailangan iyon, e.
“As an artist, nae-excite ka sa ginagawa mo so nagde-demand din ako.”
Pero naiintindihan naman ni Vice ang sitwasyon ngayon ng ABS-CBN pagkatapos kitilin ng Kongreso ang prangkisa nito noong July 10, 2020.
Dahil sa pagbasura ng franchise renewal, marami ang nawalan ng trabaho, kabilang na ang malaking porsyento ng staff ng It’s Showtime.
Patuloy niya, “Kaya lang, to be fair sa staff, since nagkaroon ng pandemic ‘tapos nawalan ng franchise ang ABS-CBN, alam naman nating lahat na ang daming na-retrench.
“So iyong manpower ng bawat program, lumiit. Sobrang konti na lang ang taong nagtatrabaho.”
Ipinaliwanag din ni Vice kung paano na ang set-up ngayon ng staff ng It’s Showtime.
“Before, team-team. Iyong team ng ‘Ms. Q&A,’ gumagawa ng live. Habang ginagawa namin ng live ng ‘Ms. Q&A’ team na staff, iyong other team na hindi umeere, nagpe-prepare sila ng bagong segment para kapag nawala iyong segment, may isasabak na bago.
“So team-team, naghahalinhinan sila, ngayon wala nang halinhinan. Isang team na lang lahat.
“Nakakaawa nga kasi iyong headwriter minsan, floor director na rin siya. Executive producer, editor na rin siya. Isang tao, ang daming ginagawa.
“Siyempre, hindi naman alam iyon ng mga pangkaraniwang viewers. Hindi nila alam iyong hirap na pinagdaanan ng show ngayon para makapag-mount o makapag-launch ng segments. Pero kahit hirap na hirap, we are still trying to deliver what we are supposed to deliver.
“Masakit kapag may naririnig ka na mga okray kasi they only presume and assume, but they don’t understand what’s going on.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Minsan, may lack of compassion and understanding, pero wala akong magagawa.”
“REINA NG TAHANAN”
Bago nagtapos ang Mayo, nakapag-launch naman ang It’s Showtime ng bagong segment, ang “Reina ng Tahanan.”
Ikinatutuwa ni Vice na maganda ang naging feedback sa bagong segment.
Pero higit dito, masaya siya dahil sa kabila ng pinagdadaanan ng programa ay nagawa pa rin nilang makapag-launch ng bagong segment na magpapasaya sa kanilang manonood.
“So now, we are happy na despite the trials, the challenges, we are able to launch a brand new segment that is big enough para ma-enjoy ng maraming audience.
“Actually, tatlo iyong bagong segments namin na ilu-launch sana pero since ang ganda ng feedback doon sa ‘Reina ng Tahanan’ ‘tapos naging major segment siya ng Showtime, we decided na, ‘Ay teka, baka hindi muna natin kailangang i-launch iyan kasi sayang naman kung pagsasabayin natin.’
“E, kung iyong attention naman ng tao, nasa ‘Reina ng Tahanan,’ kapag nagsubside iyon at saka tayo mag-launch ng mga bagong segment.
“So meron pa kaming mga balang naihanda.”