SHOCK: Alden and Kathryn, is it love or just taking advantage to become famous…?/hi

Alden at Kathryn, may part 2 sa Goodbye… sa Canada!

Alden at Kathryn, may part 2 sa Goodbye� sa Canada!

So si Alden Richards na mismo ang nagsabi na loo­king forward siya sa isang Alden-Kathryn Bernardo reunion this year!

Totoo bang posibleng sequel ito ng Hello, Love, Goodbye?

If ever, expect ba natin na mag-break din ito ng box-office records like before?

Grabe ang pressure ‘no?

At kung Hong Kong ‘yung dating location nila, saan naman kaya ngayon?

Totoo ba ang rinig kong ine-explore nilang mag-Canada?

Interesting, ‘di ba?

Showtime, nagdadalawang-isip sa GMA?

The saga continues kung ano ang papalit na show sa Tahanang Pinakamasaya.

Totoo bang hati ang kinauukulan kung gagawing It’s Showtime blocktime na lang ang GMA 7 o kung gagawa sila ng sariling show?

Kasi kung Showtime, ang mapapasikat nila ay ang mga artista ng ABS-CBN. Kung homegrown program naman, hindi kaya magiging atin-atin kami-kami lang like TikToClock or All-Out Sundays?

Ang tanong ulit: gagastos pa ba ng malaki ang GMA kung sure na ang kita nila ang walang lugi sa kanilang airtime rate?

Abangan!

Sarah, lusot sa sikat na fashion designer!

Kakaibang Sarah Geronimo ang tumambad sa atin sa Billboard Women In Music Awards 2024 in a Michael Cinco gown.

Ang sabi nga, standard setting ang achievement ni Sarah na ito dahil siya ang unang Filipina na nagkaroon ng karangalang ganito. At nakumpirma rin na hindi kasama si Sarah sa mga pinatamaan ni Michael Cinco sa kanyang post na celebrities na gumagamit ng gown niya nang hindi nagbabayad.

Aba, sinu-sino kaya ang mga ganu’n?

Schedule ng walk of Fame, isinabay sa free day ng DonBelle

Kahit halos taga or associated sa GMA ang karamihan sa inductees ng Walk Of Fame, ang key pa rin doon ay ang availability ng pinakasikat at pinagkaguluhan sa social media na Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle) na ang tanging free day from their tapings and showbiz commitments ay Wednesday.

Buti na lang nag-match lahat ng skeds.

Hindi na kaya maibabalik sa tradisyon niyo na Dec. 1 every year?

Bakit umaabot sa March na ang ceremonies?

And more basic, ano nga ba ang criteria at proseso ng pagpili? Kailangan ba sikat ka o maimpluwensiya to have a star in the Walk Of Fame?

Dapat mailinaw muna ang mga ito para mas klaro ang batch ng choices na mula kung saan-saan.

Hilda, may gagawin agad pagbalik ng Pilipinas

Magandang balita ‘yung baka bumalik daw ang magaling na aktres na si Hilda Koronel dito para gumawa ng pelikula.

Saan kaya ito? Kay Direk Adolf Alix Jr. ba o sa isang malaking film outfit?

At nandito kaya siya by April kung saan nakatakda sana siyang tumanggap ng isang parangal mula sa FAMAS?

Ang pagbabalik ng isang magaling na artista like Susan Reid (aka Hilda Koronel) is always a good news.

Nakakata-quote:

From TAPE, Inc., “Despite our best efforts to save the show, both parties have reached a mutual agreement to finally call off the show.”

(Sayang, totoo bang may mas amicable settlement pa sana, pero hindi na ito napag-agreehan… bakit kaya? May ipapalit na bang show talaga?)

“…from the longest running noontime show ‘Eat Bulaga’ to the present ‘Tahanang Pinakamasaya’—our sincerest ‘Thank you!’ and optimistic ‘See you again!”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News