GORGY RULA:
May panibago na naman palang complaint laban sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime na ipinarating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Habang pinag-uusapan pa ang mga dati nilang violations, nadagdagan ito ng “vibrator” issue ni Kim Chiu.
Hindi namin napanood ang episode na yun. Pero ayon sa nakalkal namin sa X (dating witter), nangyari raw ito sa “Tawag Ng Tanghalan” segment nung August 2, 2023.
Malinaw naman kasing ang ibig niyang sabihin ay “vibrato” o timbre ng boses.
May isa ring episode kung saang binanggit ni Kim ang “p*kp*k shorts.”
Kaagad ito kinorek ni Jhong Hilario at sinabing “kwek kwek shorts.”
Sinang-ayunan agad ito ni Kim ng, “Oo, kwek kwek shorts!”
Meron bang kwek kwek shorts, mga Ka-Troiks?
Pero parang may pagkamali-mali itong si Kim. Kaya sabi nga ng ibang napagtanungan, parang innocent mistakes lang ito ng actress-TV host.
NOEL FERRER:
Ayon sa pagtatanung-tanong namin, hindi pa rin daw tapos ang deliberation sa MTRCB. Wala pa tayo ngayong aasahang statement mula sa naturang ahensya.
Posibleng sa susunod na linggo ay may ilalabas daw na statement ang MTRCB kung ano ang magiging desisyon nila sa isyu ng It’s Showtime, at baka pati na rin sa E.A.T.