One Direction member Liam Payne’s cause of death revealed (uyen)

liam payne last photo

Multiple injuries, internal at external bleeding ang ikinamatay ng dating One Direction member na si Liam Payne, ayon sa autopsy report na inilabas at kinumpirma ng Buenos Aires City Police.

Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam. Pahiwatig itong hindi nito iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak siya sa inner patio ng hotel.

Isang malaking balita ang pagpanaw ng 31-year-old singer matapos malaglag mula sa ikatatlong palapag ng CasaSur, ang hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina, noong Miyerkules, Oktubre 16, 2024.

HEAD RECEPTIONIST’S TESTIMONY

Nagbigay na rin ng testimonya tungkol sa malagim na kamatayan ni Liam si Esteban, ang nagpakilalang head receptionist ng CasaSur na tumawag sa 911, ang emergency medical services ng Buenos Aires.

Si Esteban ang nakipag-ugnayan sa 911 para humingi ng tulong ilang minuto bago nahulog mula sa ikatlong palapag si Liam dahil winawasak umano ng singer ang lahat ng kagamitan sa loob ng kuwarto niya.

Sa lumabas na audio recording ng pagtawag ni Esteban sa 911, nagmamakaawang niyang sinabi na bilisan ng mga tauhan ang pagdating sa CasaSur dahil posibleng nanganganib ang buhay ni Liam.

“We have a guest who’s out of it because of drugs and alcohol. And when he’s conscious, he’s breaking everything in the room.

“We need you to send someone urgently because, well, I don’t know if the guest’s life is at risk.

“He’s staying in a room that has a balcony. And, well, we’re a bit afraid that he’ll do something that would put his life in danger,” bahagi ng translated in English audio recording ng paghingi ng tulong ni Esteban sa Buenos Aires emergency services.

Sa mga larawang inilabas ng mga kinauukulan, makikita sa loob ng hotel room ni Liam ang telebisyong basag ang screen, ang mesang may mga itim na marka ng paso, mga piraso ng tin foil, cling film (plastic wrap), isang cigarette lighter na kulay berde, tea light candle, at “white powder.”
Lumabas din ang huling larawan ni Payne bago ito namatay habang papasok siya sa kanyang hotel room.

Kumakalat din sa social media ang video kung saan pinagbigyan niya ang ilang fans na magpa-picture sa kanya at pumirma ng autograph, isang gabi bago siya bawian ng buhay.

Maririnig din siyang kinakantahan ang isang fan ng Spanish song.

Samantala, labis na ikinabigla ng mga magulang ni Liam ang kamatayan nito.

Namataan ang mga magulang ni Liam na sina Geoff at Karen Payne na umalis sa kanilang tahanan sa Wolverhampton, West Midlands, England nang gabing malaman nila ang malungkot na balita tungkol sa kanilang anak.

Isang kamag-anak ng mga Payne ang nagsabing wasak na wasak sila sa pagkamatay ng 31-year-old singer pero ayaw nilang magbigay ng komento.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News