
Ruru Madrid (left) on courting Barbie Forteza (right) in the past: “Fourteen ako, niligawan ko siya. Ang ginawa ko, binigyan ko siya ng tsinelas. Hindi ko alam yung size niya…yun palang tsinelas na naibigay ko sa kanya, e, sobrang laki sa kanya.”
PHOTO/S: Ruru Madrid/Barbie Forteza on Instagram
Tuluyan nang pinangalanan i Ruru Madrid ang Kapuso actress na nambasted sa kanya ilang taon na ang nakararaan.
Ito’y walang iba kundi si Barbie Forteza.
Noong 2020, sa Kapuso late-night show na The Boobay And Super Tekla Show o TBATS, inamin ni Ruru ang pagporma niya noon sa isa niyang kapwa Kapuso star ngunit imbes na pahintulutang manligaw ay agad daw siyang binasted nito.
Ayon kay Ruru, ang pangalan ng babaeng kanyang niligawan ay nagsisimula sa letrang “B.”
Naging palaisipan ito sa marami niyang tagahanga lalo na’t maraming female celebrities sa GMA-7 ang may pangalang nagsisimula sa letter “B.”
Ruru admits courting and getting rejected by Barbie
Makalipas ang apat na taon, muling nausisa si Ruru tungkol sa babaeng nambasted sa kanya nang maging guest siya sa bagong programa ng GMA Public Affairs na Lutong Bahay sa GTV, hosted by Mikee Quintos.
Dito ay diretsahan siyang tinanong ni Mikee, “Magbigay ng pangalan ng artista na nambasted sa yo. Meron ba?”
Bago pangalanan ni Ruru ang nambasted sa kanya, sinabi nitong masyado pa siyang bata noon nang ligawan niya ito.
Nakangisi niyang sagot kay Mikee, “Meron, fourteen or fifteen [years old] pa lang ata ako nun… si Barbie [Forteza].”
BARBIE’S REASON WHY HE REJECTED RURU
Tingin daw ni Ruru, nang dahil sa ibinigay niyang tsinelas kay Barbie kaya nawalan ito ng amor sa kanya.
Pagbabalik-tanaw niya: “Fourteen ako, niligawan ko siya.
“Ang ginawa ko, binigyan ko siya ng tsinelas. Hindi ko alam yung size niya.
“Kasi naalala ko noon yung tito ko galing ng abroad, tapos may iniuwi siyang tsinelas.
“Siyempre dahil medyo mamahalin yung tsinelas, sabi ko, ‘Eto na lang yung pangreregalo ko panligaw.”
Tinanggap naman daw ni Barbie ang regalo niyang tsinelas. Hanggang sa malaman-laman daw ni Ruru na hindi pala ito nagkasya sa aktres.
Saad ni Ruru, “Tinanggap naman niya yung regalo.
“[Kaso] yun palang tsinelas na naibigay ko sa kanya, e, sobrang laki sa kanya.
“As in kalahati lang nung paa niya yung nasa tsinelas.
“Tapos ayun yung dahilan kung bakit niya ako binasted.”
Sa kabila ng kanilang nakaraan, ikinatutuwa ni Ruru na nananatili silang magkaibigan ni Barbie.
Dahil parehong nasa bakuran ng Kapuso network, makailang beses nang nagkatrabaho sina Ruru at Barbie.

Photo/s: Ruru Madrid fanpage on Facebook
Nagkatrabaho rin sina Ruru at Barbie sa defunct Sunday musical-variety show na Sunday PinaSaya o SPS mula 2015 hanggang 2019.
Samantala, sa ngayon ay may kanya-kanya nang karelasyon sina Ruru at Barbie.
Nobya ni Ruru si Bianca Umali, habang si Barbie naman ay nobyo si Jak Roberto.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load