Tom Rodriguez stunned by Jaclyn Jose's sudden passing! Tom's statement leaves fans shocked/hi - News

Tom Rodriguez stunned by Jaclyn Jose’s sudde...

Tom Rodriguez stunned by Jaclyn Jose’s sudden passing! Tom’s statement leaves fans shocked/hi

Tom Rodriguez Nagtataka Sa Biglang Pagpanaw Ni Jaclyn Jose! Mga Pahayag Ni Tom Na Kinagulat Ng Fans!


Aminado ang Kapuso aktor na si Tom Rodriguez na labis siyang nalulungkot at nanghihinayang sa biglang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose na itinuturing na rin niya bilang isang ina. 

Isiniwalat ng Kapuso aktor na si Tom Rodriguez na si Jaclyn Jose ang huling nakausap niya noon Amerika bago niya isinarado ang kanyang komonikasyon sa lahat, matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Carla Abellano noong 2022.

Ayon kay Tom Rodriguez, ang namayapang batikang aktres ang huling tao na nakausap niya noon bago siya nanahimik sa Amerika at ito na rin ang huling pagkakataon na nakita at nakasama niya ito habang nabubuhay pa.

Inilahad din ni Tom Rodriguez na si Jaclyn Jose ang unang hinanap niya nang makabalik siya sa bansa nito lamang taon at nais umano niya itong makita muli. Subalit dahil sa parehong busy ang kanilang mga schedules ay hindi sila nagkakatagpo hanggang sa tuluyan na ito mamalaam dahil sa atake sa puso.

Sa isang panayam kay Tom Rodriguez noong nagpunta siya sa burol ng namayapang aktres inamin niyang malungkot at nanghihinayang siya dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na magkita muli bago ito mawalan ng buhay.

Ayon pa kay Tom Rodriguez, na isang masayahing tao si Jaclyn Jose at magaan itong katrabaho. Inilalarawan pa ng aktor na walang dull moments kapag kasama niya ito at higit sa lahat ito rin ang tumatayong ina para sa kanilang lahat.

Paglalarawan pa ni Tom Rodriguez kay Jaclyn Jose, sobrang kalog nito, sobrang mapagmahal na talagang umalalay umano sa kanya kaya labis ang pagkabilib niya rito.

Ayon pa kay Tom Rodriguez palaging nagiging mother figure si Jaclyn Jose sa lahat ng mga nakakatrabaho niya dahil itinuturi din sila nito bilang totoong anak.

Hindi umano makapaniwala si Tom Rodriguez na bigla na lamang itong mawawala ng hindi man lamang siya nakapagpaalam rito dahil malusog naman ito at walang iniindang sakit.

Pumanaw si Jaclyn Jose noong umaga ng March 2, 2024 dahil sa atake sa puso. Ipinhayag ito mismo ng kanyang anak na si Andi Eigenmann matapos kumalat ang samu’t-saring spekulasyon patungkol sa pagpanaw ng batikang aktres.

Matapos ang pitong araw ng burol ay inilagak ang cremated remains nito sa Garden of the Divine Word Cumpolary sa Quezon, City noong March 10, 2024.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…