Coco Martin Binatikos Dahil Sa Pangyayaring Ito

Laman ng mga bulung-bulungan ngayon sa ilang mga social media platforms ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin matapos mapansin ng mga manonood ang kanyang outfit habang nagti-taping sa Ang Batang Quiapo. 

Marami ang nagtataka kung bakit palaging naka-leather jacket si Coco Martin sa taping ng Ang Batang Quiapo gayung umaabot sa 39 hanggang 40 degree Celsius ang agwat ng temperatura sa Manila noon pang buwan ng Abril.

Napakainit ng panahon ngayon at nadadagdagan pa ito dahil kadalasan ay maraming tao sa taping ng Ang Batang Quiapo at sa mga kalye rin kinukunan ang kanilang mga eksena.

Marami ang nag-aalala kay Coco Martin kaya naman pinapayuhan na ito ng mga manonood at sinasabihang hindi angkop ang pagsusuot ng leather jacket sa mainit na panahon ngayon.

Samantala, naglabas naman ng saloobin ang kilalang talent manager at showbiz reporter na Ogie Diaz patungkol sa dahilan kung bakit palaging nakasuot ng leather jacket si Coco Martin.

Ayon kay Ogie Diaz naging branding na ni Coco Martin ang pagsusuot ng leather jacket bukod pa rito, isinasabuhay umano ni Coco Martin ang karakter na original na ginampanan ng namayapang si Fernando Poe Jr.

Nakasuot rin naman noon ng leather jacket si Fernardo Poe Jr. iginiit din ni Ogie Diaz na naiinitan rin naman si Coco Martin subalit ganoon talaga para sa trabaho ay pagsisikapan ang lahat.

Tiyak naman umano na sa tuwing magtatapos ang eksena ay kaagad itong hinuhubad ni Coco Martin na hindi na ipinapakita pa sa publiko.