Aminado si Nico Locco na marami s’yang naging kasalanan kay Christine Bermas na naging dahilan kaya nauwi sa breakup ang kanilang 2-year relationship.

SCREENSHOT: @@gmanetwork on YouTube

 

Aminado si Nico Locco na marami s’yang naging kasalanan kay Christine Bermas na naging dahilan kaya nauwi sa breakup ang kanilang 2-year relationship.

Hindi napigilang maiyak ng Vivamax actress na si Christine Bermas nang ilahad n’ya sa publiko kung bakit sila nauwi sa hiwalayan ng actor-host na si Nico Locco.

Naganap ito sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime kung saan present din ang ex-boyfriend niyang si Nico.

Kwento ni Christine, todong pagmamahal daw ang ibinigay n’ya kay Nico for two years at pakiramdam umano n’ya ay naubos s’ya in the process.

Kasi ako that time, parang namulat na ako sa self ko na sobrang nagbigay na ako ng love to this person tapos hindi na ako nagtira sa self ko,” lahad ng sexy-drama actress.

“So l, alam ko, aminado ako na pag naghiwalay kami nito, ako ’yong magsa-suffer, masasaktan. So, parang I gave too much, let’s say, chances. I gave a lot of chances also,” dagdag pa n’ya.

Na-curious naman si Vice Ganda kung para saan ba ’yong chances na ibinigay umano n’ya.

Pero sa halip, iniliko n’ya ang usapan sa naging misunderstandings nila ni Nico noon. Nahirapan daw kasi n’yang i-balance ang work n’ya bilang aktres at ang kanilang relasyon.

Pero hindi iyon umobra kay Vice at muli nitong tinanong kung para saan ang sinabi n’yang chances.

“I gave him a lot of chances to become a better person everyday. Kasi…” hesitant na sabi ni Christine.

“Was he cheating?” muling hirit ni Vice.

Natawa naman si Christine at napatingin kay Nico bago sumagot.

Dumating sa point na ganu’n, yeah,” pagtatapat n’ya.

Maraming beses s’yang nag-cheat tapos pinatawad mo, tapos umulit, tapos pinatawad mo?” pag-uurat pa ni Vice sa kanya.

Wala nang nagawa ang aktres kundi ang umamin.

“Yeah,” ani Christine. “Sorry,” sabi naman n’ya kay Nico.

Naiiyak din n’yang ipinaliwanag na minahal n’ya nang husto ang Italian-Canadian yet Pinoy-at-heart actor dahil ito ang first-ever boyfriend n’ya.

“I don’t know. I genuinely love him and he knows that, and he knows na he was my first boyfriend also. I gave everything to him,” lahad n’ya.

Bilang girlfriend ay naging mapagpatawad daw s’ya rito.

“I gave him a lot of chances because I just want him to feel also that there’s one person that truly loves him. You know what I mean…na hindi na n’ya kailangang hanapin pa sa ibang tao,” pagbabahagi ni Christine.

Aware din daw kasi s’ya sa mga masasakit na pinagdaanan noon ng aktor at ayaw na n’yang maulit pa iyon.

Kasi he was the one who told me na nagkaroon s’ya ng mga failed relationships before and I don’t want him to experience that again anymore,” aniya.

“I just want to give him hope, that he can truly love someone genuinely, na hindi na n’ya kailangang hanapin pa ’yon sa ibang tao,” dagdag pa n’ya.

Pero dahil naging cycle na, napagod na umano s’ya na naging dahilan kung bakit bumitaw na s’ya sa kanilang relasyon.

“Sorry, I have to say this,” pag-a-address pa n’ya kay Nico.

Inako naman ng Nico ang kanyang pagkukulang at pagkakamali kaya nauwi sila sa breakup ni Christine.

Ayaw ko mag-excuse. I’m not gonna stand here making excuses. Pero relationships aren’t black and white. There’s a lot of grays and ibang colors. Maraming nangyayari sa isang relationship,” he said.

Hindi perpekto ang relationship namin. Maraming times na nag-separate, bumalik, tapos ganu’n, paulit-ulit. Hindi s’ya perfect,” pag-amin pa n’ya.

Ako, hindi ako perfect. Marami akong kasalanan sa buhay ko and everybody who’s watching this may kasalanan din sila. Unfortunately, nag-fail ako sa relationship. Yeah, that’s all I have to say.”

For Christine, kahit na nasaktan, babaunin daw n’ya ang mga natutunan n’ya sa relasyon nila ni Nico.

“It’s not traumatic but I learned a lot from it,” she said.

And now that they’re on their separate ways, hiling ni Nico na makatagpo raw sana si Christine ng lalaking magmamahal dito nang higit sa naibigay n’ya sa dalaga.

“I hope that you find somebody that treats you well and loves you and is honest with you, a better man than I ever will be,” he said.

“I will always love you, Bella [endearment n’ya kay Christine]. Mahal kita. And I wish you the best. I really do. I’m sorry from the bottom of my heart,” pagtatapos n’ya.

Nagpasalamat naman ang aktres sa mga natutunan n’ya sa relasyon nila ni Nico sa loob ng dalawang taon.

“Thank you for sharing yourself with me for two years. I will always grateful for you and palagi kong tatandaan lahat ng mga tinuro mo sa akin,” she said.

Ikaw ’yong first boyfriend ko and thank you sa love, sa lahat, sa lahat-lahat. Thank you,” pagtatapos ng aktres.