Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Mary Jane Guck na mas kilala sa kanyang screen name na si Jaclyn Jose nitong March 10, 2024.
Inilagak ang cremated remains ni Jaclyn Jose sa kanyang huling hatungan nitong March 10, 2024 sa Garden of the Divine Work Columbary na matatagpuan sa E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City.
Naging pribado ang paglalagak kay Jaclyn Jose sa kanyang huling hantungan dahil tanging mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang ang pinayagang makasaksi sa nasabing event.
Matatandaan na nagulat ang maraming mga netizens na lumabas ang balitang pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa loob ng kanyang sariling tahanan.
Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari dahil hindi naman ito napabalitang nagkaroon ng malalang sakit. Kasunod nito marami ang lumabas na mga haka-haka na umano’y nahulog sa hagdan si Jaclyn Jose dahil mag-isa lamang ito sa panahong iyon walang nakatulong rito.
Ayon pa sa mga usap-usapan, tanghali na ng March 3, 2024 nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Jaclyn Jose sa kanyang pamamahay matapos puntahan ito ng isang tao na nakapansin na hindi na ito sumasagot sa mga tawag at text.
Inakala pa ng marami na sa araw ring iyon binawian ng buhay si Jaclyn Jose subalit ayon sa pag-iimbestiga ng mga otoridad napag-alamang noon pang umaga ng March 2, namapayapa ang aktres.
Nilinaw rin kaagad ng anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann na hindi pagkahulog sa hagdan ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina kundi dahil inatake ito sa puso.
Kasunod ng malungkot na balitang ito, nagbigay ng paalala ang bateranang aktres na si Lolit Solis sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kasama sa bahay. Ayon kay Lolit Solis kung sakaling may kasama lamang umano noon ang aktres sa kanyang bahay ay maaring mailigtas pa ito at madugtungan pa ang buhay.