
Madalas kasing pag-usapan ang makatotohanang pananampal ni Jean Garcia sa mga eksena nito sa GMA-7 series na Widows War.
Lumalagapak talaga ang palad nito sa pisngi ng kung sinumang co-actor nito na kaeksena.
Napapaisip tuloy ang anak niyang si Jennica Garcia tungkol sa instruction ng direktor.
Ang sabi niya, “Ano ang masasabi ko sa performance niya? Ang sabi siguro ng direktor, sampal, bakit parang pasapak na yung sampal niya?
“Sabi ko, bakit kaya ganun? Yung instruction, sampal, pero yung hawi ng mommy ko [mula taas pababa]?
“Saka di ba pag sampal, one hand lang? Yung sa kanya, nagmu-move yung right tapos nagmu-move din yung left.”
Nasampal na ba si Jennica ng mommy niya?
“Nasampal na po niya ako sa eksena, Ina Kasusuklaman Ba Kita?
“Pagkatapos ng pagsampal niya sa akin, inisip ko din po kung gusto ko pa ba siyang tawaging ‘Inay?'”
Saka siya tumawa nang malakas at nagsabing, “Biro lang po.”
JENNICA GARCIA SANS LOVE LIFE IS HAPPY
Pero blooming at glowing si Jennica.
At since may quote na “the happier you are, the more beautiful you become,” gaano siya kasaya ngayon?
Nakangiting sagot niya, “Alam niyo, gusto ko sanang sabihin meron na,” at saka siya tumawa dahil nahulaan niyang love life ang tinutumbok ng tanong.
“Wala pa, single pa rin po tayo.”
Sabi pa niya, “Actually, excited nga po ako sa day-off ko bukas, kasi medyo matagal na po akong walang day-off, ilang linggo na rin, parang pa-one month na po.”
Paanong day-off?
“Na wala pong work, kasi gumawa po tayo ng tatlong pelikula this year, tapos ongoing po yung para sa teleserye natin. So talagang parang wala talaga tayong time.
“Pero ang goal naman talaga natin ay makapag-ipon, dahil meron tayong dalawang anak na binubuhay.
“Kaya naman, ma-a-achieve natin iyan.”
Inilunsad muli si Jennica bilang celebrity endorser.
“Nagsimula ako dito, 17 ako. I’m turning 35 already andito pa rin, thank you. Thank you so much,” bulalas ng aktres.
JENNICA GARCA SINGS PRAISES FOR SHARON CUNETA
Nabanggit ni Jennica na may tatlong teleserye siyang ginagawa at isa rito ay ang Saving Grace na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.
Aniya, “Kung minahal tayo ng mga tao sa Dirty Linen bilang Lala, siguro po ngayon isusumpa na nila ako.
“Buti na lang nakapirma na ako sa Bioessence, “ at muling natawa si Jennica.
Kamusta ka-eksena si Sharon?
“Naku, sobrang saya,” excited na pakli ni Jennica. “Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nauso yung mga Megastar, Diamond Star, iba pala talaga.
“Meron silang… parang si Megastar parang meron siyang kasama ring light, alam mo yun?
“Parang sa Pinoy Henyo, ang word na pinapahula sa kanya ‘respeto,’ yung parang pag naglakad ka, talagang mapapa-bow ka kasi iba.
“Iba yung elegance, and makikita mo rin na she is the Megastar, because despite it all, she continues to be humble talaga, grabe.”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load