NAKAKAGULAT NA BALITA: Nagdulot ng kontrobersiya si Cristy Fermin nang bastusin niya ang kasarian ni Vice Ganda sa palabas na Cristy Fermin, gustong sumugod ngayon ni Vice sa paghaharap.../hi - News

NAKAKAGULAT NA BALITA: Nagdulot ng kontrobersiya s...

NAKAKAGULAT NA BALITA: Nagdulot ng kontrobersiya si Cristy Fermin nang bastusin niya ang kasarian ni Vice Ganda sa palabas na Cristy Fermin, gustong sumugod ngayon ni Vice sa paghaharap…/hi

Cristy Fermin Ininsulto Ang Kasarian Ni Vice Ganda Sa Programang Cristy Ferminute


Tila nakarating rin kay Cristy Fermin ang ginawang biro ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It’s Showtime sa isang contestant na nagngangalang Cristy. 

Matatandaan na tinanong ni Vice Ganda sa isang contestant ng It’s Showtime na may pangalang Cristy kung ano ang pinagkakaabalahan nito bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan.

Kaagad namang bumwelta rito si Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute kung saan hinamon niya si Vice Ganda.

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda, puro patagilid ang kanyang bira,”  pahayag ni Cristy Fermin.

Dagdag pa ng kolumnista, “Eh, bakit hindi mo sabihin, Oy Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling mo, ano pa ang pinagkakaabalahan mo.”

Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na bakit hindi tumulad sa kanya si Vice Ganda na naipapahayag niya kung gaano kayabang si Vice.

“Eh, ako diretsa kung nasasabi sa kanya na mayabang siya diba? na wala ka man lang makikitang pagpapakumbaba sa kanya. Diretso kung nasasabi ‘yun. Bakit hindi niya rin ako diretsuhin? e pupwede naman.”

Ipinahayag din ni Cristy Fermin na tinigilan na umano nila si Vice Ganda mula noong natapos na ang suspension ng It’s Showtime.

Tila nilait din ni Manay Cristy Fermin ang pagiging kasapi ni Vice Ganda sa LGBTQ community.

Ayon kay Cristy Fermin, “Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka Vice Ganda nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kung ikaw ay bumabyahe sa mahaba-habang kalye, at tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka ji-jingle.”

Samantala, wala pang tugon si Vice Ganda, hinggil sa pambabanat na ito sa kanya ni Cristy Fermin.

Hindi naman na bago sa lahat ang pasaringan nina Vice Ganda at Cristy Fermin.

Kilala ang veteran showbiz columnit na si Cristy Fermin sa mga kilalang kritiko ni Vice Ganda at sa relasyon nila ni Ion Perez.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…