Ervic Vijandre accused of physical assault by his brother
Actor and San Juan City councilor Ervic Vijandre (left) is facing serious allegation from his sister-in-law, who took to social media to expose Ervic’s alleged assault on her husband, Erwin Vijandre (right).
PHOTO/S: Ervic Vijandre/Erwin Vijandre on Facebook
Trigger Warning: This article contains description of physical abuse, disturbing images
Nahaharap ngayon sa kaliwa’t kanang batikos ang aktor at San Juan City councilor na si Ervic Vijandre matapos siyang akusahan ng pananakit at pambubugbog ng sarili niyang kapatid na si Erwin Vijandre.
Noong Huwebes, February 27, 2025, ibinahagi ni Erwin sa Facebook ang mga litrato niyang duguan at puno ng pasa ang kanyang mukha.
Walang inilagay na caption si Erwin sa post niyang ito.
Ngunit kalakip nito ang screenshot ng pagbati sa kanya ni Ervic noong siya ay nagdiwang ng kaarawan kamakailan, katabi ang larawan kung saan makikita ang mga gasgas at pasa sa mukha at ulo ni Erwin.
Mababasang bati ni Ervic kay Erwin (published as is), “Happy Birthday Wen! Good bless you more! Erwin Vijandre.”
Nag-reply rito si Erwin.
Pero imbes na magpasalamat sa naging pagbati ni Ervic ay sinumbatan niya ang kapatid dahil umano sa ginawa nito sa kanya.
Reply ni Erwin: “Ervic Vijandre T*ng*na seryoso ka ba? More blessing?
“Baka Di Mo alam kung gaanong trauma ginawa mo sa pamilya ko? Lalo na sa mga anak ko…
“Hanggang ngayon binabangungot mga bata sa kawalanghiyaan mo!”
Photo/s: Erwin Vijandre on Facebook
Ervic Vijandre called out by sister-in-law for “hypocrisy”
Hanggang nitong Biyernes, February 28, tuluyan nang binasag ng kampo ni Erwin ang kanilang pananahimik sa anila’y kalunus-lunos na sinapit ni Erwin sa kamay umano mismo ng kapatid na si Ervic.
Sa Facebook post ng asawa ni Erwin na si Jaye Vijandre, idinetalye niya ang sinapit ng kanyang mister noong New Year’s eve nang bugbugin umano ito ni Ervic sa harap mismo ng kanilang pamilya.
Mababasa sa post ni Jaye, kalakip ang litrato ng duguang mukha ng kanyang mister (published as is): “Trigger warning. I am reposting what my husband Erwin Vijandre posted about what happened to him on new year’s eve in the Philippines.
“We kept quiet eventhough he never asked how Erwin was. He ONLY said sorry when we were at the police station and hall of justice, asking Erwin to not press charges on him.
“Erwin gave him the favor and still protected his ‘good’ image.”
Hindi raw sila agad nagsalita dahil ayaw nilang mabahiran ang magandang imahe ni Ervic sa politika, gayong sa sarili raw nitong pamilya ay “rude” ang actor-politician.
Hindi rin daw nila maatim ang “hypocrisy” o pagpapanggap ng kanyang bayaw, lalo na’t malaking trauma raw ang naidulot ni Ervic sa pamilya ni Erwin, lalo na sa mga anak nitong nasaksihan ang pambubugbog sa kanilang ama.
Lahad ni Jaye: “After he was released from detention, my husband didn’t hear anything from him and now he’s greeting him publicly as if nothing happened.
“He was showing off that he is happy and blessed when he gave a big time trauma to our family, not just physically but emotionally and PSYCHOLOGICALLY, especially to our kids, that is why we are making this public as we want to put an end to his hypocrisy.
“Helping others for his ‘good’; politician image when he is really mean and rude to his own family.
“When he threw multiple big punches on my husband’s head (all to the head), it was unprovoked and he started it while my husband’s back was turned.
“All of our children were there and they witnessed how he tried to end Erwin’s life.”
Photo/s: Screengrab Jaye Vijandre on Facebook
Ervic ACCUSED OF CAUSING TRAUMA TO ERWIN’S CHILDREN
Ayon kay Jaye, hanggang ngayon ay isang bangungot na maituturing ang sinapit ni Erwin mula kay Ervic.
Maging ang kanilang mga anak ay takot na takot pa rin daw na baka muling saktan ang kanilang ama.
Ito raw ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik sa Pilipinas ng kanilang mga anak.
Ani Jaye, “Our children up to now are having nightmares and still scared. They wouldn’t want to go back to Philippines anymore.”
Tila iba rin daw ang trato ni Ervic sa mga taong nakakasalamuha nito sa mundo ng pulitika at sa sarili nitong pamilya.
Saad ni Jaye: “He knows how to treat people right when he is in his politician uniform, to people with connections and gets advantage from them, but with his family and when you are worthless, you are nothing.
“He was mad and he let it all out to my husband because of his conflicts with his family.
“‘Respect is a two-way street, if you want to get it, you’ve got to give it.’
“‘Respect is how to treat everyone, not just those you want to impress.'”
Sa huli, hiling ng pamilya ni Erwin na makarating kay Ervic ang kanilang mensahe.
“I hope he gets our message to stop his hypocrisy and spares my family our sanity and peace of mind. #NoToViolence #NoToAbuse #NoToChildAbuse #NoToHarrassment #triggerwarning.”
Photo/s: Screengrab Jaye Vijandre on Facebook
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Ervic tungkol sa akusasyon ng kapatid na si Erwin at ng kanyang sister-in-law na si Jaye.
Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Ervic Vijandre, sa pamamagitan ng direct message sa Instagram ngayong Sabado ng hapon, March 1, 2025, upang kunin ang kanyang panig. Wala pa kaming natatanggap na tugon.
Pinadalhan din namin ng mensahe si Jaye Vijandre, sa pamamagitan ng Facebook messenger, ngayong Sabado ng hapon. Hindi pa rin siya tumutugon sa aming mensahe.
Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito at kaagad naming ilalathala ang kanilang sagot kapag natanggap na namin ito.