Kris Aquino: Mark Leviste Relationship Misleading
Kris: “I remain grateful for all the time you spent trying to keep me company.”

Kris Aquino to ex-boyfriend Mark Leviste: “Marc, we shared beautiful memories and if only for that and my decision to stay private because what’s done is done, I won’t post the screenshots of your tirade against me just a few hours ago, considering I had both Dupixent & Methotrexate today.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Tila hindi nagustuhan ni Kris Aquino ang pagbanggit pa rin sa kanya ng ex-boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste, o Jose Antonio “Marc” Leviste II, sa isang Instagram post.
Laman sa post ni Mark sa Instagram kahapon, November 23, 2023, ang aniya’y “DOUBLE VICTORY! TO GOD BE THE GLORY!”
Tungkol ito sa iginawad na parangal kay Batangas Governor Hermilando Mandanas at sa anak ni Mark na si Ronin Leviste, na vice mayor ng bayan ng Lian, Batangas.
Nagpasalamat si Mark sa nag-nominate sa kanyang anak para sa nasabing award.
Ibinahagi rin niya ang kagalakan ng kanyang puso na siya ang tumanggap ng award ni Ronin dahil nagkataong nasa Amerika si Mark, kasama ang kanyang bunsong anak at ina, para magdiwang umano ng Thanksgiving kapiling si Kris.
Excited din daw siyang makapag-bonding ang tinawag niyang “Queen” na si Kris at mga anak nitong si Joshua at Bimby Aquino.
Bahagi ng kanyang post: “I am humbled to represent Ronin during the Awards Night and accept the trophy on his behalf since he, Coun. Andrea, my youngest son @conradoleviste and my mother @patsieleviste are currently in the United States to celebrate Thanksgiving with @krisaquino [heart emoji]
“I am very excited for Ronin and mama to spend time with the Queen at her new home and I’m also glad that C2 is reunited with Kuya Josh and Bimb. Love, love, love! THANK YOU, LORD.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Marami siyang ginamit na hashtags sa kanyang post kabilang na ang “#LoveLoveLove at #LoveWins.”
Sa comments section ng post ni Mark ay nagkomento si Kris.
Ipinahiwatig ng TV host-actress na hindi niya nagustuhan ang pagbanggit ng bise gobernador ng pangalan niya at kanyang mga anak.
Tila pinapaniwala pa raw ni Mark ang publiko na may relasyon pa sila.
Hindi rin daw dapat gamitin ni Mark ang kani-kanilang mga anak para masabing may ugnayan pa sila kahit naghiwalay na sila
Komento ni Kris (published as is), “i’m sorry, I know this isn’t my feed… but you are misleading people.
“Our children shouldn’t be collateral damage because i chose to end our relationship.
“They have always treated me kindly and i must commend you, because Ronin is not only intelligent but he is responsible and compassionate.”
Looking forward naman daw si Kris na makilala niya ang ina ni Mark.
Nakagawa man daw sila ng magagandang memories, pero panatilihin raw sana nila itong pribado.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Rebelasyon pa ni Kris, ilang oras bago siya nag-post ay pinagsalitaan siya ni Mark, ngunit nangako ang TV host-actress na hindi niya ito ipu-post.
Ipinagpapasalamat pa rin ni Kris ang mga panahong nagkasama sila, ngunit hanggang doon na lamang daw ito dahil tinapos na niya ang relasyon nila noong November 3, 2023.
Dagdag niya, “I am looking forward to meeting your mom. Marc, we shared beautiful memories and if only for that and my decision to stay private because what’s done is done, i won’t post the screenshots of your tirade against me just a few hours ago, considering I had both Dupixent & Methotrexate today.
“I remain grateful for all the time you spent trying to keep me company but I reached my end point Nov 3, 2023.
“May God bless you and help you fulfill all your plans and ambitions. #noregrets”

Burado na ang komentong ito ni Kris.
Noong November 20 lamang, pinanindigan ni Kris na hiwalay na talaga sila ni Mark noon pang November 3 dahil hindi raw talaga magwu-work ang long-distance relationship.
Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil nagpapagamot ito dahil sa kanyang autoimmune diseases.
News
DUMIPENSA NA! CESAR MONTANO GALIT NA BlNUGBUG SI ATONG DAHIL SA PAGLUSTAY NITO SA PERA NI SUNSHINE!/th
OMG Cesar Montano matapang na dumipensa matapos malaman ang ginawa ni atong ang sa dating kasintahan nitong si Sunshine Cruz tila ngayong araw nga lang ginulantang ni Cesar Montano ang lahat ng protektahan nito ang dating kasintahan na si Sunshine…
ANAK NI SUNSHINE CRUZ, MAY BWELTA SI ATONG ANG SA ISYUNG PAG-WALDAS NG PERA AT ARI-ARIAN NI ATONG/th
Anak ni Sunshine Cruz Matapang na sinupalpal si Atong ang sa isyung paggastos ng pera at ari-arian Atong ang hindi nagpaawat at may matinding buwelta sa mag-inang cruise Nagising ako na parang tapos na eh Tsaka huwag niyo na pilitin…
ATONG ANG, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS KOMPRONTASYON KAY SUNSHINE CRUZ!/th
atong ang isinugod sa ospital matapos ang matinding komprontasyon kay Sunshine cruise tres iginiit na hindi pera ang habol kundi tunay na pagmamahal is gulo namin ng EXO e pero kayao ba sabi ko noun EO ubusan na tayo…
SUNSHINE CRUZ, UMAMING BUNTIS KAY ATONG ANG! MATINDING PASABOG at USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA! /th
Sunshine cruise umaming buntis kay atong ang isang matinding pasabog sa showbiz usap-usapan ngayon sa social media yung mga taong yon na yung mga taong makakasama mo on your way down nagising ako na parang Tapos na eh Tsaka Sunshine…
ATONG ANG PINALAYAS si SUNSHINE CRUZ at MGA ANAK matapos BIGLAANG HIWALAYAN! /th
atong ang Pinalayas na sa bahay ang mag-inang sina Sunshine cruise at ang kanyang mga anak matapos ang kanilang biglaang paghihiwalay kami na magkakakilala rito okay Number one ako Tapos na eh Tsaka huwag niyo ng pilitin yan Hwag niyo…
LAGOT NA! ANAK NI SUNSHINE NAGSALITA NA SA GINAWANG PANGHAHALAY NI ATONG SA KANIYA!/th
Lagot na anak ni Sunshine Cruz idinetalye na ang ginawa sa kanya ni atong ang Cesar Montano hindi kinaya tila ka Kailan nga lang usap-usapan sa mundo ng showbiz ang anak ni Sunshine na si Angelina Cruz matapos umanong mapabalitang…
End of content
No more pages to load