HOT: Fans are still curious about the competition between Julia and Kathryn, as they have discovered that these two girls have strange moves online... - News

HOT: Fans are still curious about the competition ...

HOT: Fans are still curious about the competition between Julia and Kathryn, as they have discovered that these two girls have strange moves online…

Kathryn, Julia nabuhay ang rivalry

Sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang magkakontemporaryo noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Nabuo ang kanilang rivalry nang gawin nila ang remake ng “Mara Clara” noong 2010 na unang ginawa sa original nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes noong 1992.

Pagkatapos ng kanilang toprating teleserye, itinambal sila sa iba’t-ibang leading men at nakapagbida sa kanilang sariling serye at mga pelikula.

Sa kaso ni Kathryn, naging bentahe sa kanya na naipareha siya kay Daniel Padilla kaya naging matagumpay ang kanilang tambalang KathNiel.

Si Julia naman ay mas identified sa Kapamilya Primetime Kng na si Coco Martin na tinanggap naman ng masa ang tandem.

Speaking of Kath, siya rin naman ang maituturing na superstar o undisputed box office queen dahil sa kasalukuyan siya ang may hawak ng record ng highest grossing Pinoy film of all time na “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nila ni Alden Richards.

Ngayon inanunsyo na ang pagbabalik-pelikula ni Julia Montes sa film project na “Five Breakups and a Romance” .First time nitong makakatambal si Alden. Dahil dito,hindi maiwasang pagkumparahin ng kibitzers ang dalawang leading ladies ng bedimpled Kapuso actor.

Hirit nila, nabuhay na naman daw ang rivalry o sabong sa dalawang aktres.

Sey pa nila, malaking hamon din daw para kay Julia na tapatan kung hindi man higitan ang naitalang record sa box office ng tambalang Kathden.

May mga nagmamahadera ngang abangers kung makakabog ba ni Julia si Kathryn o kung maging patok din ang teamup ng JulDen.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…