Behind the story of Team Ogie, Kim, Lassy, ​​​​the champion MC of “Magpasikat 2024” (nuna)

Team Ogie, Kim, MC, Lassy wins Magpasikat 2024

Overwhelmed with emotions Kim Chiu, Lassy Marquez, MC Muah Calaquian, and Ogie Alcasid with their PHP300,000 check for winning “Magpasikat 2024” on It’s Showtime. 
PHOTO/S: It’s Showtime Facebook

Ang Team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, Lassy Marquez, at MC Muah Calaquian ang itinanghal na panalo sa “Magpasikat 2024” ngayong araw, Sabado, October 26, 2024.

Ito ay matapos silang bigyan ng pinakamataas na score ng limang hurado pagkatapos ng kanilang buwis-buhay “Magpasikat” performance noong Martes, October 22.

Sa nasabing “Magpasikat” performance ay ipinamalas nila ang kanilang mga insecurity at iba pang pinagdaraanang hirap sa kanilang showbiz careers.

Ang mga hurado ay sina Direk Rory Quintos, Donny Pangilinan, Gabbi Garcia, Alice Dixson, at Freddie M. Garcia.

Magpasikat judges (from left) Gabbi Garcia, Alice Dixson, Freddie M. Garcia, Rory Quintos, and Donny Pangilinan.

Magpasikat judges (from left) Gabbi Garcia, Alice Dixson, Freddie M. Garcia, Rory Quintos, and Donny Pangilinan. 
Photo/s: It’s Showtime Facebook

Nanalo ang Team Kim at Ogie ng PHP300,000 para sa kanilang chosen charity na Angat Buhay Foundation.

Inalay rin nila ang pagkapanalo sa mga biktima ng Bagyong Kristine.

“Malaking tulong po ito sa mga nasalanta,” pahayag ni Kim.

Nagpasalamat din sila sa mga staff at production crew na tumulong sa kanilang performance.

Ito na ang pang-apat na pagkapanalo ni Kim sa “Magpasikat.” Nanalo rin siya noong 2020, 2021, at 2023.

Ito naman ang unang beses na nanalo sina Ogie, MC, at Lassy.

RUNNERS-UP

Samantala, ang Team Jhong ang naging second placers.

Team Jhong, Jackie, Cianne wins 2nd place in Magpasikat 2024.

Team Jhong, Jackie, Cianne wins 2nd place in Magpasikat 2024. 
Photo/s: It’s Showtime Facebook

Third place naman ang nakuha ng Team Anne.

Team Anne, Jugs, Teddy wins 3rd place in Magpasikat 2024.

Team Anne, Jugs, Teddy wins 3rd place in Magpasikat 2024. 
Photo/s: It’s Showtime Facebook

Nanalo ang Team Jhong ng PHP200,000, samantalang ang Team Anne ay nanalo ng PHP100,000 pesos.

Ido-donate din nila ito sa kanilang chosen charities

Kahapon, October 25, nag-perform ang grupo nina Jhong, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez. Ang tema nila ay tungkol sa mental health.

Noong Huwebes, October 24, nagtanghal ang grupo nina Anne, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz ng kanilang core memories theme na hinango sa Disney film na Inside Out.

MAGPASIKAT WEEK

Ang “Magpasikat” ang taun-taong anniversary celebration ng It’s Showtime. Dito ay ipinamamalas ng mga host ang kanilang mga talento sa iba’t ibang group performances na dapat ay nakamamangha ang konsepto.

Nagsimula ito noong 2010, sa unang annibersaryo ng programa.

Ngayong taon ay limang grupo ang nagtanghal.

Una ay ang team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang noong Lunes, October 21.

Ipinakita nila ang konsepto na tungkol sa pagkapit sa pag-asa at surprise guest nila ang p-pop group na SB19 at and Olympic double gold winner na si Carlos Yulo.

Pangalawa ay ang grupo nina Kim, Ogie, Lassy, at MC na nagtanghal noong Martes, October 22. Guest performer nila si Morissette Amon.

Noong Miyerkules, October 23, naman ay nagtanghal sina Vhong Navarro, Ion Perez, Amy Perez, at Darren Espanto.

Malungkot ang tema nila na tungkol sa pagmamahal ng isang ina, at sakripisyo ng anak.

Noong Huwebes, October 24 ay nag-perform sina Anne, Jugs, at Teddy. Party-party ang mood ng kanilang production, na tungkol sa mga tumatak na moments ng show. Sumama ang P-pop girl group na BINI sa masayang performance.

Panghuli naman noong Biyernes, October 25, ang performance nina Jhong, Cianne, at Jackie. Special guests nila sina Rochelle Pangilinan, Kokoy de Santos, at anak ni Jhong na si Sarina.

IT’S SHOWTIME HISTORY

Bukod sa announcement ng nanalo sa “Magpasikat” ay marami ring naganap sa episode ng It’s Showtime ngayong araw.

Ipinagdiriwang kasi ng noontime show sa episode na ito ang kanilang ika-15 anibersaryo.

Nagbukas ang programa sa isa-isang pagpapakilala sa mga host, na naglakad papasok ng entablado na tila may red carpet.

Sunod nito ay naglaro sila sa isang quiz contest, kung saan sumagot sila ng mga tanong tungkol sa mga nagmarkang pangyayari sa kasaysayan ng show.

Sina Vice at MC ang nanalo rito, at nagwagi sila ng PHP70,000 na ibinigay nila sa mga biktima ng Bagyong Kristine.

Nagtulung-tulong din ang mga host na magdagdag ng PHP30,000 para maging PHP100,000 pesos ang kanilang donasyon.

Matapos nito ay nag-perform ang ilan sa mga tumatak na champions sa “Tawag ng Tanghalan,” tulad nina Jhon Clyd Talili, JM Yosures, Reiven Umali, Lyka Estrella, JM dela Cerna, Rea Gen Villareal, at Marielle Montellano.

Bago naman i-announce ang winners sa “Magpasikat” ay nagbahagi ng maikling mensahe si Cory Vidanes, ang chief operating officer ng ABS-CBN, para sa It’s Showtime.

“Maraming salamat for the 15 years of making our audiences very, very happy.

“Alam niyo po, ang Showtime is one big happy family. Solid, brave, and strong, dahil po sa pagmamahal ninyong lahat,” saad ng Kapamilya executive.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News