SHOCK: Vic Sotto CAUSES A WAVE AFTER HIS NAME IS MENTIONED IN THE TEASER ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ along with…

Vic Sotto, trending matapos mabanggit sa teaser ng ‘The Rapists of Pepsi Paloma’

Vic Sotto, trending matapos mabanggit sa teaser ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'

Trending sa X ang pangalan ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto matapos mabanggit ang kaniyang pangalan sa kontrobersiyal na teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” sa direksyon ni Darryl Yap.

Sa nabanggit na teaser, emosyunal na tinanong ni Gina Alajar, gumaganap sa papel na namayapang si Charito Solis, ang dating award-winning child star na si Rhed Bustamante, na gaganap naman bilang si Pepsi Paloma.

Mapapanood sa entrada pa lamang ng teaser ang eksena nina Gina at Rhed kung saan nabanggit nga ang pangalan ni Vic.

“Ipaliwanag mo sa akin, magsabi ka sa akin, ipaliwanag mo dahil hindi ko naiintindihan! Pepsi sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?” tanong ni Gina kay Rhed.

“Oo!” mariing sagot ni Rhed.

Pagkatapos nito, ang sumunod na mababasa ay “NAGSAMPA NG KASONG RAPE SI PEPSI PALOMA LABAN KAY VIC SOTTO NOONG AUGUST 17, 1982.”

Dalawampu’t anim na segundo lamang ang itinagal ng teaser subalit nag-trending agad ang pangalan ni Vic Sotto at ni Pepsi Paloma tungkol dito.

Makikita rin ang teaser sa Facebook page na “VinCentiments.” May pamagat ang teaser 1 na “LABAN O BAWI.”

Ang “Laban o Bawi” ay patok na game segment noon ng Eat Bulaga, noong nasa GMA Network pa ang nabanggit na noontime show.

“Inakusahan ng Rape ni Pepsi Paloma si Vic Sotto atbp; subalit makalipas ang ilang kaganapan ay inurong nito ang demanda.

Bakit?” mababasa rito.

Pormal na ring ipinakilala sa teaser na ito ang pagganap ni Rhed bilang si Pepsi Paloma.

Matatandaang noong 2024 ay nagbigay na ng patikim si Darryl sa pelikulang gagawin niya, na mapapanood sa 2025. Aniya, si Pepsi raw ay kaniyang kababayan at nais niyang isalaysay ang misteryo sa pagkamatay nito noong 80s.

ANG KONTROBERSIYA SA PAGKAMATAY NI PEPSI PALOMA

39 taon o lagpas tatlong dekada na ang nakalilipas, patuloy pa ring napag-uusapan ang hindi pa “saradong” intriga sa pagkamatay ng nabanggit na sexy star, na ang screen name ay halaw sa pangalan ng isang kilalang softdrinks brand, na nauso noong mga panahong iyon.

Ginugunita ang pagkamatay ni Pepsi tuwing Mayo 31. Natagpuan siyang patay sa kaniyang sariling bahay sa Quezon City noong Mayo 31, 1985, sa gulang na 18.

Nasangkot dito ang mga pangalan ng “Eat Bulaga!” hosts na sina Vic Sotto, Joey De Leon, at pumanaw na komedyanteng si Richie D’Horsie, subalit kalaunan, iniurong din mismo ni Pepsi ang demanda. Samakatwid, nalinis ang pangalan nila.

Sa isang panayam naman kay Tito Sotto III sa programa ni Tina Monzon-Palma sa ABS-CBN News Channel noon, tahasang sinabi ni Sotto na pekeng balita ang mga kumalat patungkol sa kaniyang kapatid gayundin kina Joey at Richie.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP na inilathala noong Mayo 31, 2023, para sa anibersaryo ng kamatayan ng sexy star, iniulat nila na nagulat umano ang taumbayan ng sinabi ni Pepsi noon na wala umanong pagkakasala ang mga nabanggit na personalidad sa kaniyang naunang bintang.

“Walang pagkakasala ang mga nakademanda, at ako’y pinilit lamang ng mga taong may pagnanais na kumita sa pamamagitan ng maling publisidad,” pahayag daw ng sexy star.

Sa pahayagang “Tempo” na sister newspaper ng Manila Bulletin at Balita, mababasa ang headline na “No Rape Says, Pepsi Withdraws Case Against TV hosts.”

Samakatwid, iniurong ni Pepsi ang kaso laban sa mga nabanggit na personalidad.

Nailathala ito noong Setyembre 29, 1982.

Pagkatapos nito, makalipas ang halos tatlong taon, pumutok na nga ang balita patungkol sa umano’y ginawa ni Pepsi sa kaniyang sarili, na dulot umano ng depresyon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vic Sotto tungkol dito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News