Baron Geisler and Janelle are “terrified” in the dugdyugan scene – The shocking scene that made the audience hold their breath in fear!/hi

Baron, Janelle nanginig sa takot sa dyugdyugan scene

Inamin ni Baron Geisler at Janelle Tee na hindi naging madali para sa kanila ang gumawa ng sex scene.

Sa private screening ng ‘Pusoy’, sinabi ni Janelle na bagaman nahirapan siya sa paggawa ng mga daring scene ay nagpapasalamat pa rin siya na inalalayan siya ni Baron at ni Direk Brillante Mendoza.

“Aminado ako, du’n sa mga love scenes namin ako pinakanahirapan. Siyempre, nananakit kasi ako du’n, e!”

“So, alangan ako na manakit. Kasi, ayokong nananakit. So, buti na lang din si Baron, tinulungan niya ako na, ‘Hindi! Lakasan mo! Itodo mo!’ Ganu’n. And lahat ho yun, di ko alam kung paano gamitin. Buti na lang, si Direk Brillante, tinuruan niya ako. Ha-hahaha!” ani Janelle.

Sinang-ayunan naman ito ni Baron at sinabing: “Gaya po ng sinabi ni Miss Tee, buti na lang, nandu’n po si Direk Brillante para i-guide po kami sa mga sexy scenes.”

Tsika pa ng aktor, may pagkakatong nanginginig sila sa takot sa paggawa ng mga mapupusok na eksena.

“And sa lahat ng mga eksena, yung love scenes talaga ang pinakamahirap gawin. Akala ninyo, parang nag-e-enjoy kami, hindi po. Nanginginig kami, di ba? Nanginginig tayo sa takot,” dagdag ni Baron.

(Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News