‘Drag Den Season 2’ Winner Deja, It Was Emotional To See Vice Ganda Again (ch)

Deja in Its Showtime

 

Dream come true para sa Drag Den Season 2 winner na si Deja ang makilala ang kanyang iniidolo na si Vice Ganda sa It’s Showtime.

Noong Miyerkules (October 16), sumali ang drag queen sa patok na segment na “Kalokalike Face 4,” kung saan ipinamalas niya ang kanyang kilalang impersonation ng Unkabogable Star.

Sa kanyang pagpasok sa stage, laking tuwa at gulat ni Meme Vice nang makita ang kanyang kalokalike. Malakas din ang palakpakan at hiyawan ng madlang audience na makilala ang Vice Ganda ng Baguio City.

“Jackie (personal staff ni Vice), sinend mo sa wardrobe ‘yung susuotin ko ngayon no?” pabirong tanong ni Vice habang pinagmamasdan si Deja.

Natuwa ang madlang Kapuso nang makisali si Deja sa kulitan ng mga host. Game na game siyang sumayaw, nag-split, at nag-banter kasama si Vice. Sinunod din nila ang hiling ng guest host na si Bela Padilla na umarte na para bang nakaharap sila sa salamin.

“May gusto akong gawin. Puwede bang mag-aktingan kayong dalawa pero kunwari ‘yung ma-drama na nakatingin ka sa salamin,” sabi ni Bela.

“Nag-guest ka dito, nag-direk ka pa,” hirit ni Vice.

Habang umaarte si Deja, hindi napigilang tumawa si Vice sa mga nakakatawang aksyon na ginagaya niya.

Nang sumalang na si Vice sa aktingan, sunod-sunod ang kanyang biro kay Deja.

“Kumusta ka? Masaya ka pa ba? Nakakapagtaka ako ‘yung salamin, pero mas mukhang basag ka. Sana masaya ka. Isa lang ang aking paalala, dapat ang buhok hindi kasing tigas ng mukha,” asar ni Vice habang seryoso ang mukha.

Dagdag pa niya, “Pero ‘yung pakakatandaan, saan ka man mapunta naiiba ka. Wala kang katulad. Isipin mo kung gaano kadilim ang mundo kung dumalawa ka pa. Alam mo kung bakit mag-isa ka lang? Isang beses ka lang ginawa ng Diyos dahil ayaw pa niyang magkamali pa. Minsan lang siya nagkamali, hindi niya uulitin pa ito. Mahal kita. Isa iyon sa joke ko ngayong araw na ito.”

Ang tawanan sa studio ay napalitan ng emosyon nang biglang napaluha si Deja.

“Ba’t parang naiyak ka Deja? Parang personal message ba ‘yung narinig? Ba’t ka naiyak?” tanong ni Vice.

“This is such a dream come true po for me. You’re my icon, my diva, my legend, my myth,” ani Deja. “Parang growing up as a young little gay sa province parang nakikita ko ‘yung self ko sa kanya. Parang representation sa media. Sobrang halaga iyon sa akin na noong bata pa ako pini-figure out ko lang kung ano ako, kung may mali ba sa nararamdaman ko. Pero noong nakita kita parang alam mo iyon hindi ako nag-iisa. Sobrang salamat, Meme.”

Kinilig din si Deja nang sabihin ni Vice na napanood niya ang kanyang drag queen competition at nakikita rin niya ang sarili niya kay Deja.

Sa huli, nanalo ang drag queen sa face-off kasama ang Pepe Herrera ng Taytay, Rizal na si Adrian.

Subaybayan ang It’s Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News