Kim Chiu surprised her father, his reaction moved netizens…

Bubog sa ama, nanariwa kay Kim Chiu

“Habang lumalaki, okey na ako na wala akong hình người cha. Pero, pag may sự kiện đặc biệt, nand'yan siya...Giống như pag may vinh danh ako...học sinh danh dự kasi ako nong tiểu học... 'Sinong pupunta, sinong aakyat [sa stage]?' Tapos magugulat na lang ako, 'Ah, si Papa pala.' Duming pala siya.”

Too close to homepara kay Kim Chiu ang tema ng kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN na Love Thy Woman, kung saan gaganap siyang anak sa second family ng Chinese patriarch na gagampanan ni Christopher de Leon (as Adam Wong).

Marami rin daw kasing pamilya ang tatay niya in real life na si William Chiu, Jr. Ang kaibahan lang ay anak siya nito sa unang pamilya.

Pero dahil daw sa teleserye ay mas naiintindihan na niya ngayon ang feelings at point of view ng taga-second or third family.

“It’skinda challenging for me to play the second family, kasi sila ’yong parang hindi masyadong pinapansin,” paliwanag ni Kim during the media conference ng Love Thy Woman kahapon sa ABS-CBN na nataong bisperas ng Chinese New Year.

Pero agad nilinaw na Kim na as far as his real dad is concerned, maayos daw ang naging trato nito sa lahat ng pamilya nito.

“Pero pinapansin sila ng Papa ko. Fair din kasi ’yong papa ko. Para siyang si Adam Wong.

“Kaya nga pag tinitingnan ko, pag nag-aarte kami, sabi ko, ‘Shocks, kawawa rin pala ’yong mga anak ng Papa ko, ’no?’

“Kasi pag first family, parang ikaw ’yong pinakamatapang. Now I understand what are they feeling, ’yong mga kapatid ko sa labas.

“Marami kami. Mapagmahal lang ’yong Papa ko,” tumatawa-tawa pang dagdag ni Chinita Princess.

Karaniwan na daw ang ganitong mga set-up among Chinese families. Panahon pa ng mga dynasties sa China ay ganoon na. Concubines pa nga ang tawag sa mga babaeng kasunod ng first wife. At tila na-carry over ito hanggang sa modern times.

“Pero in this teleserye, you can see what really happens inside a modern Chinese family,” dagdag pa ni Kim.

In real life, taga-first family si Kim at apat pa niyang full siblings. Pero dahil nga maraming naging pamilya ang tatay nila, kaya nagsilaki rin daw silang walang father figure dahil absentee dad nga si Mr. William Chiu, Jr.

“My dad also has a lot of wives—one, two, three, four, five, mga gano’n,” kaswal na lahad ng aktres. “Pero kami ’yong una.

“Lagi akong nagwa-wonder nasaan ’yong Papa ko? Lagi siyang nawawala…ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, city siya. So, nililipad niya talaga ’yon,” pabungisngis na tsika pa niya.

Nasanay na raw sila sa ganoong set-up pero hindi pa rin maiwasang hinahanap-hanap nila ito. Responsible naman daw ang tatay nila. Nagkataon nga lang na maraming pamilya at dumating din sa point na tuluyan na itong nahiwalay sa kanyang Mama. Gayunpaman, bumabawi naman daw ito sa mga pagkukulang.

“Habang lumalaki, okey na ako na wala akong father figure,” patuloy ni Kim. “Pero, pag may special event, nand’yan siya…Like pag may honor ako…honor student kasi ako nong elementary… ‘Sinong pupunta, sinong aakyat [sa stage]?’

“Tapos magugulat na lang ako, ‘Ah, si Papa pala.’ Dumating pala siya.”

Ang pagsipot daw na ito ng Papa niya sa mga espesyal na okasyon na ganoon ang naging motivation at inspirasyon niya para lalong pagbutihan ang pag-aaral noon—dahil alam niyang dadating ang ama sa mga pagkakataong gano’n.

“So ’yon ’yong naging motivation ko na mag-aral akong mabuti, para every time meron akong award, pupunta siya…”

Sa puntong ’yon ay nabasag ang boses ni Kim at halos hindi na kinayang ituloy ang sasabihin. Tila nanariwa kasi ang mga pains na nalimot na sana niya.

Dinaan nalang sa biro ni Kim ang pagkambiyo at sinabing kaya magaling siyang umiyak sa teleserye nila ay dahil doon.

Sa ngayon ay mabuti na ang relasyon ni Kim at ng mga kapatid niya sa kanilang tatay. Kahit pa sa malungkot na paraan sila nag-reconnect, naging daan naman ito para sa muli nilang pagkakaroon ng relasyon sa ama.

Ang pagkakasakit ng ina ni Kim na si Loulla Yap Chiu noong 2013 ang naging dahilan nang muli nilang pag-uusap na mag-ama. Kasabay ng eventual na pagpanaw ng kanilang ina ay ang pagkakakilala nilang magkakapatid sa una sa mga kapatid nila sa ama.

Sixty years old na papa ni Kim at sa puntong ito ng kanilang buhay, tila hilom na ang mga sugat and they are now maintaining relationships sa mga kapatid nila sa ama.

Pero mukang malabong mangyari ito sa teleserye dahil si Kim, who plays as Jia Wong na half-sister ng character ni Yam Concepcion na si Dana Wong ay mai-in-love at magkaka-illicit affair sa asawa nitong si David (played by Xian Lim). Tila mahirap ang patawaran sa case na ito.

Love Thy Woman’s luminary cast includes Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, and Ruffa Gutierrez; and its helmed by three top drama directors—Jerry Lopez Sineneng, Jeffrey Jeturian, and Andoy Ranay.

The KimXi reunion project,will be seen on ABS-CBNstarting February 10.

 

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News