Kyline Alcantara recalls dreaming big with childhood friend Belle Mariano /hi - News

Kyline Alcantara recalls dreaming big with childho...

Kyline Alcantara recalls dreaming big with childhood friend Belle Mariano /hi

Kyline on Belle: “Sabay kaming na-bully.”
Kyline Alcantara and Belle Mariano
Kyline Alcantara (left) recalls jokes with childhood friend Belle Mariano (right): “Meron pa kaming mga biruan dati na, ‘Kakabili ko lang ng kotse.’ Pero nung time na po na yon, wala pa kaming kotse.”

Masayang binalikan ni Kyline Alcantara, 20, ang mga pinagdaanan nila ng kaibigang si Belle Mariano, 21, bago sila sumikat.

Nagkasama noon ang dalawa bilang child stars sa ABS-CBN, kung saan nabuo ang kanilang malalim na pagkakaibigan.

Si Kyline ay nasa bakuran na ng GMA-7, habang si Belle ay nananatiling nasa ABS-CBN.

Lumipas man ang mga taon at magkaiba na sila ng kinabibilangang networks, nanatili ang kanilang pagkakaibigan.

Unti-unti na ring natutupad ang pangarap nilang makagawa ng pangalan sa mundo ng showbiz.

belle mariano and kyline alcantara

Sa presscon ng LUV Is: Love at First Read, ang web-based series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Mavy Legaspi, natanong si Kyline kung sino sa Kapamilya stars ang nais niyang makatrabaho.

Unang binanggit ni Kyline si Andrea Brillantes.

Nagkatrabaho sina Andrea at Kyline sa Kapamilya afternoon series na Annaliza (2013-2014).

“And, of course, gusto ko rin makatrabaho si Belle,” pahabol ni Kyline.

Dito na ikinuwento ni Kyline kung ano ang mga pinagdaanan nila ni Belle bago sila sumikat.

KYLINE RECALLS SHOWBIZ DREAM WITH BELLE

Ayon kay Kyline, sabay silang nangarap at pareho rin silang nagkaroon ng mga di magandang karanasan noon ni Belle.

Pagbabahagi ni Kyline, “Kasi lumaki ho kami together sa showbiz industry. Sabay kaming na-bully.”

Nasulat noon ang rebelasyon ni Kyline na nakaranas siya ng pambu-bully mula sa isang direktor at young actress noong nasa ABS-CBN pa siya.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…