OMG!: According to Ogie Diaz KimPau, "no longer sweet"what happened to them.. - News

OMG!: According to Ogie Diaz KimPau, “no lon...

OMG!: According to Ogie Diaz KimPau, “no longer sweet”what happened to them..

KimPau, “hindi na ganu’n ka-sweet” ayon sa nakalap na tsika ni Ogie Diaz

Ayon sa nakausap ni Ogie Diaz mula sa kampo ni Kim Chiu, ayaw pa umano ng aktres na mag-entertain ng manliligaw at ini-enjoy muna nito ang pagiging single sa ngayon.

Nagbigay ng update ang comedian-vlogger and showbiz insider na si Ogie Diaz sa estado ng relasyon ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Marami raw kasi ang nagtatanong sa kanya kung ano ang lagay ng puso ng dalawa kung kaya’t sinagot n’ya ito sa online show n’yang Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube kahapon, April 18.

Ano na raw ang lagay ng puso nila? Sila na raw ba? Sa totoo lang, hindi pa po sila. ’Yon lang ang ating wini-wish,” lahad ni Ogie na aminadong KimPau fan.

Napag-alaman daw n’ya na hindi na ganu’n katindi ang ipinapakitang sweetness ng dalawa sa set ng kanilang digital series kumpara dati.

Kasi ang nalaman ko lang mula sa production staff ng What’s Wrong With Secretary Kim, e, parang hindi na daw ganu’n ka-sweet,” malungkod na lahad ni Ogie.

Okey sila sa set. Pero ’yong ligawan medyo malabo daw. Parang mas sweet sila nu’ng una. Nito na raw, parang hindi na ganu’n ka-sweet,” dagdag pa n’ya.

Ganu’n pa man, umaasa pa rin daw s’ya na sina Paulo at Kim pa rin ang magkakatuluyan sa huli.

Ang problema, parang hindi na daw ganu’n ka-intense ang feelings ni Kim Chiu towards Paulo dahil si Paulo talagang passionate sa acting,” pagbabahagi pa n’ya.

Tapos kung ano lang ang dumating ganu’n lang s’ya. Kasi parang may iba raw gusto si Paulo, e.

Pero umaasa pa rin daw si Ogie na manunumbalik ang pagiging sweet ng minamahal n’yang Kapamilya love team.

Sana ’yong sweetness nila oncam, ganu’n din sila offcam,” aniya.

However, aware din daw s’ya sa tsikang nanliligaw umano sa aktres ang naging searchee sa “Expecially For You” segment ng It’s Showtime na si Atty. Oliver Moeller.

Tinutukso kasi noon ni Vice Ganda si Kim kay Atty. Moeller dahil sa pagiging magkababayan nila.

Nang matanong naman si Atty. Moeller sa isang interview kung nanliligaw ba s’ya kay Kim ay tumanggi itong sumagot nang direkta.

“I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission. Sorry, I hope you understand,” sabi ng matikas na Cebuano lawyer.

Ayon naman daw sa nakausap ni Ogie mula sa kampo ni Kim, ayaw pa umano ng aktres na mag-entertain ng manliligaw at ini-enjoy muna nito ang pagiging single sa ngayon.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…