Hello, Love, Again mapanonood na sa November 13 (uyen)

MANILA – Nagbabalik ang tambalang KathDen o Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pagpapatuloy ng love story ng kanilang mga character na OFWs na sina Joy at Ethan sa pelikulang Hello, Love, Again.

Ilan sa cast ng Hello, Love, Again
Magsisimula ang kwento 5 taon matapos lumipat ni Joy mula Hong Kong at manirahan sa Canada.

Ang popular na rom-com ay directed by Cathy Garcia-Sampana, na siya ring direktor ng unang bahagi ng kwento sa “Hello, Love, Goodbye.”

Itinuturing na groundbreaking film collaboration ang pelikulang ito sa pagitan ng ABS-CBN’s Star Cinema at GMA Pictures.

Kabilang sa cast sina Jennica Garcia, Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Kevin Kreider, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, Ruby Rodriguez, at iba pa.

Makakasama rin ang KathDen sa “Hello Again Tour” sa SM Seaside City Cebu sa Nov. 9, at Market! Market! sa Taguig sa November 10.

Idaraos ang premiere night sa SM Megamall sa November 12.

Ipalalabas na sa mga sinehan sa Pilipinas ang Hello, Love, Again sa November 13 kabilang na ang midnight screening sa 72 cinemas sa buong Pilipinas.

Simula naman November 15, ipalalabas ang inaabangang pelikula sa US at Canada.

Mapanonood din ito sa mga sumusunod: Australia (November 14), New Zealand (November 14), Guam (November 15), Saipan (November 15), Singapore (November 28), Malaysia (November 28), the Middle East (November 28), Cambodia (November 29), at sa Hong Kong.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News