Influencer films herself vandalizing public transport station
She is banned from using social media, too.
Tawa now iyak later ang nangyari sa influencer matapos i-upload ang video habang sinisira niya ang isang public transport station. Nahatulan siya ng limang taong pagkakakulong bukod pa sa malaking multa. (Photos: Epa Colombia Facebook)
Noong November 2019, nagkaroon ng bayolenteng protesta sa Colombia laban sa gobyerno ni former President Iván Duque.
Sa kasagsagan ng kaguluhan, kinunan ni Daneidy Barrera Rojas ng video ang sarili habang winawasak niya ang isang public transportation station sa capital ng bansa na Bogota.
Screenshot ng video ni Epa Colombia nang sirain niya ang mga gamit sa isang public transport station sa kanyang bansa. Photo: Epa Colombia
Isang sikat na social media influencer si Daneidy, na mas kilala bilang si Epa Colombia.
Sa video ay makikita siyang tuwang-tuwa habang nagbasag ng mga bintana.
Sinira rin niya ang mga beep card readers at maging ang access registers gamit ang martilyo.
Naglagay pa siya ng graffiti sa mga dingding gamit ang spray paint.
Ini-upload ni Epa ang kanyang video sa iba’t ibang social-media platforms.
INFLUENCER APOLOGIZES FOR HER WRONGDOINGS
Sa Instagram pa lang ay may mahigit ng 5.2 million followers si Epa.
Hindi kataka-takang nag-viral ang kanyang video.
Ang profile pic ni Epa Colombia sa kanyang Facebook account. Photo: Epa Colombia
At dahil nakakuha iyon ng atensiyon, sinimulan ng gobyerno ng Colombia ang isang imbetigasyon.
Sinampahan si Epa ng kasong vandalizing public property.
Sa initial na hatol ng korte ay napatawan siya ng parusang tatlong taon at kalahating pagkakabilanggo dahil sa paninira ng property ng gobyerno, at pakikialam sa kaayusan ng public transportation.
Nag-apologize si Epa sa kanyang ginawa.
Pero ang masaklap, iniapela pa ng Prosecutor’s Office ang naging hatol na masyado raw magaan para sa naging offense ng dalaga.
Pinaboran ng korte ang apela ng prosecutor.
Ang hatol kay Epa ay itinaas ng korte sa limang taong pagkakabilanggo.
Pinagbabayad din siya ng multang katumbas ng monthly minimum wage ng mga Colombians sa loob ng 493 buwan.
INFLUENCER APPEALS HER CASE
Naghain ng apela ang abogado ni Epa sa Supreme Court of Justice (SC) ng Colombia para mapagaan ang kanyang hatol.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pero noong January 27, 2025, pinagtibay ng SC ang naunang hatol ng korteng duminig ng kanyang kaso.
Ipinag-utos rin ng korte ang pag-aresto—na naisagawa na ng mga awtoridad.
Sa pinakahuling video ni Epa, makikita siyang umiiyak at inirereklamo sa kanyang followers ang naging hatol sa kanya.
Sambit niya sa video, araw-araw umano siyang nagpupunta sa kanyang hair salon para magtrabaho.
Nang pauwi na siya, dinampot siya ng mga pulis.
Alam naman umano ni Epa na mayroon na siyang arrest warrant at puwedeng dakipin anumang oras.
Nakiusap siya sa mga pulis na hintayin ang kanyang abogado bago siya hulihin ng mga ito, pero hindi siya pinagbigyan.
INFLUENCER GETS LIFETIME BAN FROM USING SOCIAL MEDIA
Sa kanyang video ay ipinaliwanag din ni Epa na gusto niyang ipaayos ang TransMilenio, o ang Colombian public transportation station na kanyang sinira.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pangako pa niya sa gobyerno, babayaran niya ang naging danyos.
Pagagandahin din niya ang station sa loob ng limang taon.
Gusto na rin niyang matapos ang kanyang problema para maipagpatuloy ang kanyang hair salon business at makapagbigay ng trabaho sa iba.
Pero hindi na pinakinggan ng SC ang pakiusap ni Epa.
Bahagi ng parusa sa kanya, tuluyan na siyang pagbabawalan na makagamit ng social media.
Nagkakaisa naman ang netizens sa kanilang komento sa nangyari kay Epa.
Sambit ng mga ito, “No influencer is above the law.”