Nyoy Volante no ill will against ex-girlfriend Nina
Nyoy answers he and Nina are “very okay” when they see each other.
Nyoy Volante maintains past issue with Nina is all water under the bridgeSiniguro ni Nyoy Volante na matagal nang natuldukan ang di pagkakaunawaan nila ng dating nobya na si Nina.
Humigit-kumulang isang taon silang magkasintahan bago napabalita ang hiwalayan nil noong 2007.
Masalimuot ang break-up nila.
Taong 2009 nang maghain ng reklamo si Nina laban sa mga magulang ni Nyoy dahil sa pagkakautang ng halagang PHP1.4M.
Diumano, tumalbog ang mga inisyung tseke ni Nyoy kay Nina.
Napag-usapan ang nakaraan nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nyoy kung posibleng ang past issue nila ang dahilan kaya hindi kasama si Nina sa reunion concert ng Sessionistas.
Ang Sessionistas ay dating grupo ng singers sa ASAP.
Sa reunion concert, ang kasama ni Nyoy ay sina Ice Seguerra, Sitti, Juris Fernandez, Princess Velasco, Duncan Ramos, at Kean
“Wala, matagal na yun. There’s nothing anymore to discuss kasi wala na yun,” saad ni Nyoy kung bakit wala sa line-up si Nina.
“But also, obvious na dapat nandun siya sa concert na yun, hindi lang talaga maiiwasan ang pagkakataon.
“Siyempre Valentine’s, especially for artists like us na ang repertoire is love, mga love songs, talagang mabiling-mabili kami.
“Nagkataon lang talaga at the last moment nag-decide ang Sessionistas, ‘Ano, gusto ninyo mag-concert?’
“So, hindi namin, unfortunately, nakumpleto yung line-up. ”
Ayon pa kay Nyoy, nagpapansinan sila ni Nina sa mga pagkakataong nagkikita sila.
“Okay naman, very, very okay,” paglilinaw ni Nyoy.
Bukas din si Nyoy sakaling may mag-alok na magsama sila sa isang show ni Nina.
“No problem,” ani Nyoy.
Sabay dagdag niya, “But also kasi sa ngayon, especially in our place sa industry, lahat kami may kaniya-kaniyang careers and everyone is doing really well.
“The best thing talaga is to explore kung sino pa ang puwedeng makatrabaho.”
Si Nina ay may sariling pre-Valentine concert sa February 7.
NYOY VOLANTE MARRIED LIFE
Parehong may kanya-kanyang buhay sina Nyoy at Nina.
Kinasal si Nyoy sa theater actress na si Mikkie Bradshaw noong 2016; samantalang si Nina ay kasal din sa non-showbiz guy na si Enrico Enriquez.
Kinumusta ng PEP ang buhay may-pamilya ni Nyoy.
Sagot ni Nyoy, “My wife and I, my daughter, we’re very much enjoying life right now.
“Lahat ng blessings na nakukuha namin from work, talagang ninanamnam namin.
“I can tell you enough na sa dinami-dami ng pinagdaanan namin nung pandemic… it’s more than enough to make us realize na sandali lang ang buhay, e, so kailangang enjoy-in talaga.”
Nakapanayam ng PEP si Nyoy sa presscon ng Love, Sessionistas sa opisina ng Fire and Ice Entertainment sa Quezon City noong January 13, 2025.
Ang Love, Sessionistas ay gaganapin sa The Theater at Solaire sa February 8.
ON REUNION WITH SESSIONISTAS
Excited si Nyoy sa upcoming concert nila ng Sessionistas dahil magkakasama-sama silang magkakaibigan.
“Unang-una, every time I have a show with them, kahit di kumpleto masaya, e.
“Kasi iba yung katrabaho yung alam mo na, ka-vibes mo ang ugali kahit papaano since magkakakilala na kayo.
“Pero ngayon it’s a concept, may purpose talaga na kailangang paghandaan, sobrang nakaka-overwhelm.”
Para kay Nyoy ang malalim na samahan at pagkakaibigan ang rason kung bakit buo pa rin ang Sessionistas ngayon.
“To be honest nagbago lang kami as individuals dahil mas mature na kayo.
“Kung mapapansin niyo yung kulit, yung familiarity, nandun talaga.
“I can say na kung mayroon man, individual na pagkatao lang namin ang naiba, pero as Sessionistas, ganun pa rin.
“I guess baduy, pero Yung friendship talaga yung nagtali sa amin, yung reason kung paano kami naging ganun ka-tight.
“Marami ng mga kaibigan sa industriya, pero iba yung very good friends.”
ON ABS-CBN FRANCHISE
Isa si Nyoy sa mga artista ng ABS-CBN na nanatiling loyal sa istasyon sa kabila ng pagkawala ng prankisa ng kumpanya noong 2020.
Masaya si Nyoy na ngayon ay may mga kongresistang nagtataguyod na maibalik ang prankisa ng network.
“I would be very honest na yung ABS without a franchise ang solid pa rin ng ABS.
“Of course, it would be very, very much appreciated, mas maganda kung magkakaroon pa ng franchise.
“ABS-CBN kasi is more than that, being a company, it’s like a family.
“Not for anything else, makikita naman up until to now, ABS is strong, healthy, talagang nandiyan. It never disappeared.”
Masasabi raw ni Nyoy na saksi siya sa kung paano mag-alaga ng artista ang dating broadcast giant.
“Ganito na nga, ang corny na naman, pero sa totoo lang ABS care about us. They care about the people that work for them.
“Inaalagaan talaga kami. ABS cared about kung ano ang nangyayari sa amin.
“They cared kung ano ang nangyayari sa amin, so they can help us kung ano pa ang magagawa nila para mapalago nila kami as an artist, as a perfomer.
“Yah, nakakabilib lang, more than anything nakakabilib ang ABS, they are standing strong.”
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load