‘It’s Showtime,’ ipapatawag ulit ng MTRCB dahil sa “vibrator” comment ni Kim Chiu?

Sa halip na vibrato, ang nasabi ni Kim Chiu ay “vibrator.”

Paulo Avelino and Kim Chiu share insights on workplace romance - LionhearTV
Sa August 2, 2023 episode ng It’s Showtime ay nagkomento si Kim Chiu sa isang “Tawag Ng Tanghalan” contestant, “Ang ganda ng vibrator ng boses mo.” Dahil dito, ipinatatawag umano ng MTRCB ang representative ng noontime show.

kim chiu tawag ng tanghalan

May panibago na naman palang complaint laban sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime na ipinarating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Habang pinag-uusapan pa ang mga dati nilang violations, nadagdagan ito ng “vibrator” issue ni Kim Chiu.

Hindi namin napanood ang episode na yun. Pero ayon sa nakalkal namin sa X (dating witter), nangyari raw ito sa “Tawag Ng Tanghalan” segment nung August 2, 2023.

Komento ni Kim sa isang contestant, “Ang ganda ng vibrator ng boses mo.”

Kaagad itong inireklamo ng ilang netizens ito sa MTRCB, pero sa tingin ko naman ay walang malisya ang pagkasabi ng Kapamilya actress-TV host sa “vibrator.”

Malinaw naman kasing ang ibig niyang sabihin ay “vibrato” o timbre ng boses.

Pero may ilan pa raw nabanggit si Kim na pinag-uusapan ngayon ng board ng MTRCB.

May isa ring episode kung saang binanggit ni Kim ang “p*kp*k shorts.”

Kaagad ito kinorek ni Jhong Hilario at sinabing “kwek kwek shorts.”

Sinang-ayunan agad ito ni Kim ng, “Oo, kwek kwek shorts!”

Meron bang kwek kwek shorts, mga Ka-Troiks?

Pero parang may pagkamali-mali itong si Kim. Kaya sabi nga ng ibang napagtanungan, parang innocent mistakes lang ito ng actress-TV host.

Ayon sa pagtatanung-tanong namin, hindi pa rin daw tapos ang deliberation sa MTRCB. Wala pa tayo ngayong aasahang statement mula sa naturang ahensya.

Posibleng sa susunod na linggo ay may ilalabas daw na statement ang MTRCB kung ano ang magiging desisyon nila sa isyu ng It’s Showtime, at baka pati na rin sa E.A.T.

Quack-quack! Quick-quick!

Ngayon lang pumasok sa consciousness ko ang kwek kwek shorts!

Edible ba ang mga iyon?!