Kim Chiu ticks off another goal after skydiving in Dubai
Kim Chiu: “Isa yun sa mga bucket lists ko, yung tumalon talaga sa Dubai.”
Adventurous actress Kim Chiu shows no fear during her 13,000-feet Dubai skydiving experience: “Hindi naman ako takot sa heights kaya na-enjoy ko naman siya.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Masayang inamin ni Kim Chiu na hindi siya takot sa heights.
Patunay nito ang walang takot niyang pag-i-skydive mula 13,000 feet sa Dubai, pagkatapos ng promo nila ng ka-loveteam na si Paulo Avelino para sa What’s Wrong with Secretary Kim noong June, 12, 2024.
KIM CHIU’S FIFTH SKYDIVING
Sa Instagram, ibinahagi ni Kim ang video ng kanyang pagtalon kasama ang instructor niya.
Sabi ng It’s Showtime co-host sa caption, “Cuz I can Fly. SKY IS THE LIMIT. Another [check emoji] on my #KIMadvenCHIUre list!!! #SkyDiveDubai #CHIUrista”
Sa presscon ng bagong endorsement ni Kim na BillEase—ang leading buy now, pay later (BNPL) at consumer finance app sa Pilipinas—inusisa ng media si Kim ukol sa kanyang 13,000-feet skydiving experience sa Dubai.
Sabi niya, “Ano, ah, masaya naman.
“Ano naman, hindi naman ako takot sa heights kaya na-enjoy ko naman siya.”
Hindi ba talaga siya natakot sa ganoong taas na skydive?
Sagot ni Kim, “Hindi naman po, masaya naman, enjoy.”
Photo/s: Arniel Serato
Hindi raw ito ang una niyang pag-i-skydiving.
Lahad ni Kim, “Ano, pang-fifth skydiving ko na siya.
“So, isa yun sa mga bucket list ko, yung tumalon talaga sa Dubai.
“So, ginawa ko siya bago umuwi, kasi masikip na talaga yung time.
“Pero pinilit ko talaga, nag-7 A.M. jump ako.
“So, okay naman. Tapos pagkahapon nun, umuwi na ako.”
May susunod pa ba siyang binabalak na adventure?
Sabi ni Kim “Susunod? Sa mga bucket list ko? Hindi ko pa alam.
“Kung ano na lang. Kung anu-ano yung nandiyan, i-go-go, basta adventure.”