VIRAL: Video of influencer driving down one-way street in BGC (nuna)

Netizens criticize a social media influencer for posting a video of his group driving down a one-way street in BGC and refusing to acknowledge their mistake when stopped by a traffic enforcer.

Nakikipag-ugnayan ngayon ang pamunuan ng Bonifacio Global City (BGC), Taguig, sa Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng viral video ng isang “social media influencer.”

Tila sinadya kasi nitong baybayin nang pasalungat ang one-way street sa 7th Avenue.

Sa video na in-upload ng “social media influencer,” matutukoy na hindi siya nag-iisa sa loob ng kotse.

Bukod sa driver, may taong nakaupo sa passenger seat at siya rin ang kumuha ng video.

Base rin sa mga boses na maririnig, may mga nakaupo sa likod ng kotse.

Ang parte na naging kontrobersiyal ay nang magtalo ang grupo kung kakaliwa ba sila mula sa binabagtas nilang 28th Street.

Sabi ng pasahero: “Puwede bang kumaliwa diyan? Baka…

Giit ng driver, “Puwede.”

“Bawal mahuhuli tayo,” pahabol ng pasahero. “Uy, one way ata.”

Pero sagot ng driver, “Puwede. Basta ako…”

One-way street nga ang kanilang pinasok at counter flow ang kanilang sasakyan, kaya pinara sila ng isang traffic enforcer.

Nang hinihintay ang paglapit ng enforcer, maririnig ang grupo sa loob na nagtatalo kung ano ang idadahilan nila.

Nagkaisa sila sa sasabihing dahilan: sinunod lang daw kasi nila ang direction ng Waze.

Nang ibaba ang car window ng driver, maririnig ang enforcer na sinabihan silang one-way ang kanilang pinasok.

Maririnig ang pangangatwiran ng grupo na naliligaw sila at hindi nila kabisado ang daan kaya sumusunod lamang sila sa driving directions app.

Maririnig ding nag-escalate ang diskusiyon nila sa traffic enforcer, at nagmamagitas silang ang may kasalanan ay ang Waze.

May binanggit pang anak ng pulitiko ang driver.

Binigyan umano ng ordinance violation ticket ang grupo, ulat ng GMA Integrated News, October 9, 2024.

Ang video ay nakunan daw noon pang September 23, 2024, pero hot topic pa rin hanggang ngayon sa social media.

Hindi na rin pinangalanan ang “social media influencer”.

Ang panibagong update sa report ay nakikipag-ugnayan na ang security team ng BGC sa LTO ukol sa ipapatupad na parusa.

NETIZENS STRESS THE VIOLATION WAS INTENTIONAL

Maraming netizens ang nagalit sa ginawa ng content creator.

May mga nagsabi ring ipinost ng “social media influencer” ang video sa kanyang TikTok account pero in-off ang comment section.

At giit nila, sinadya talagang pasukin ng grupo ang one-way street kaya dapat parusahan ng LTO.

Sapat daw bilang ebidensiya ang kuhang video.

netizen on one way issue 1
Isa sa mga komento: “This was deliberate. Ticket issuance is not enough. SET A DAMN EXAMPLE”

Obserbasyon ng isa pa: “Intentional. DAPAT DYAN TANGGALAN NG LINSENSYA FOR LIFE !!!”

netizen one way street comment 2

netizen one way street comment 3

INFLUENCER SETTING BAD EXAMPLE

May mga nagsabing hindi magandang example ang ginawa ng “social media influencer” at ng kanyang mga kaibigan.

Pagsang-ayon ng isa, “bad influence kung for content nila ginawa ito. LTO license is not for ‘joke’ use.”

one way street comment 2
Komento ng isa pa, “Delikado yang ginawa nila. Dapat diyan cancel driver’s license for good. Privilege ang driver’s license it’s not a right.”

one way street comment 1
Banat ng isa, marami ngayong nagpapakilalang social media influencers ang nagiging bad examples.

Sabi nito, “Many so-called ‘influencers’ today are setting harmful examples for their followers by promoting negative behavior or unrealistic lifestyles.

“Instead of using their platforms responsibly, they often prioritize personal gain over genuinely helping or inspiring others.”

one way street commment 3

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News