Nagbantang manampal ng datung: Ivana tinawag na mayabang, nakipagtalakan, laitan
![]()
Nakakaloka si Ivana Alawi. Hindi mo talaga aakalain na makikipagtalakan, makikipaglaitan, insultuhan siya sa isang lalaking driver.
Makikita nga sa video na magkasama sa isang van sina Ivana at Mona. At biglang-bigla, parang may nabanggang sasakyan ang driver nila.
At lumabas nga ang driver na lalaki na galit na galit. Kitang-kita na nagwawala talaga ang nakabanggaan nilang driver, dahil pinagmamalaki nga niya na bago nga raw ang sasakyan niya.
Hinahamon din ng naturang driver ang driver nina Ivana. Napakalakas magsalita ng naturang lalaki.
“Grabe naman siya makasigaw kay kuya,” takot na takot na sabi ni Mona.
Lumabas nga si Ivana ng sasakyan nila, pero super talak pa rin ang nabangga nilang driver at kung ano-ano na ang sinabi kay Ivana.
Sa totoo lang, nakakapanginig ng kalamnan ang confrontation nina Ivana at nakabangga nilang driver. Sinabihan pa ng driver si Ivana na mayabang magsalita. Na kahit artista ito ay hindi niya kilala.
At siyempre, hindi rin nagpatalo si Ivana, na gumaganti rin ng talak.
Eh, bumaba rin ng sasakyan si Mona para umawat nga. Pero, pinagbalingan ng driver si Mona na huwag sumawsaw sa gulo, with matching panduduro pa.
At doon na nga nagwala si Ivana, dahil ayaw niyang dinuduro ang kapatdi niya, kaya sinabihan niya na makapal ang mukha ng driver na `yon.
Sa totoo lang, kung nasa paligid ka, matatakot ka rin talaga at puwede mong isipin na sa matinding sakitan mauuwi ang lahat.
Grabe kasi kung magsalita ang kalaban nilang driver. At nakakaloka, na dahil sa maliit lang na gasgas, na parang alikabok nga lang daw, humihirit ito na bayaran siya ng P200,000.
Makikita mo na walang karespe-respeto kay Ivana ang naturang driver.
Umabot na nga sila sa hamunan na magtawag na ng pulis. Makikita rin na nanginginig sa galit si Ivana.
At si Mona, takot na takot at nakikiusap kay Ivana na huwag patulan ang driver.
“Sasampalin ko ‘yan ng pera!” tumitiling sabi pa ni Ivana.
“Wag ate,” mahinahong awat ni Mona, na takot na takot pa rin.
“Eh, binabastos tayo!” hirit ni Ivana.
Panay ang pakiusap ni Mona kay Ivana na huwag patulan, na huwag mag-step down sa level ng lalaki.
Mahaba pa ang naganap na pagtatalo nina Ivana at ng driver. Palitan ng masasakit na salita, pagbabanta, pang-iinsulto.
Lumabas ng kotse si Ivana para maglabas ng pera na ipambabayad nga sa driver. Pero, pinagalitan ulit ng driver si Mona, na ‘wag bumaba ng kotse. Nagsabi pa ito na, “Ano pagtutulungan ninyo ako?”
Doon nga sinabi ni Ivana na gusto niyang sapakin ang driver. Na ayaw pa ring paawat ng driver at panay ang hirit ng P200,000 kina Ivana.
Kaloka lang si Ivana na tinatawaran ng P5,000 hanggang P2,000 ang damage, ha!
At ‘yun na nga, biglang-bigla, nilantad na ang katotohanan na, “It’s a prank’.
At makikita nga si Mona na iyak pa rin nang iyak, at hindi makapaniwala na prank ang nasaksihan niya.
Panay ang hingi ng tawad ng driver kay Mona.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load