Carmina Villarroel shares her Top 10 favorite designer bags | NCAA  Philippines

Palaban ngunit mahinahong sinagot ni Carmina Villarroel ang akusasyon ng bashers na nakikialam siya sa love life ng kanyang kambal na anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

Nitong mga nakaraang buwan, inginunguso ng netizens si Carmina na dahilan kung bakit hindi natuloy ang namumuo na sanang relasyon ni Cassy sa singer-TV host na si Darren Espanto.

Gayundin sa napabalitang hiwalayan nina Mavy at ex-girlfriend nitong si Kyline Alcantara.

CARMINA VILLARROEL ON BASHERS

Sa isang pambihirang pagkakataon, pinaunlakan ni Carmina ang ilang piling media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na sagutin ang samu’t saring isyu na ibinabato sa kanya.

Kabilang na nga rito ang pangingialam daw niya sa love life ng kambal kaya wala silang naging maayos na karelasyon.

Pahayag ni Carmina, “Again, kung basher sila, whatever I say, kahit i-defend ko yung sarili ko, they will not listen to me at ayaw na nilang maniwala sa akin.

“And wala na akong magagawa dun.

“You know, I’m not here to please everyone.”

Pero alam daw ni Carmina na ang mga kakilala niya ay tahasang magsasabing hindi siya ganung klaseng tao.

Saad niya: “Sa mga nakakakilala sa akin, they know me and they will speak for me.

“Ngayon, kayo ang makakapagsabi, ‘Di ba, hindi naman siya ganyan? Kasi kung ganyan yan, di ba, pag noon pala, ganito-ganito na siya.’

“I mean, truth will always prevail. Alalahanin ninyo yan.

“It may take years, it may take months, weeks or days, but truth will always prevail.

“At yung kung sino ka talaga, kung sino yung… kung anong pagkatao mo, lalabas at lalabas yan, e.

“And like I said, yung mga taong nakakilala sa yo will speak for you.

“I don’t have to, I don’t have to defend myself.

“Because, like I said nga, kung basher ka, kahit mag-explain ako sa yo, sarado na yung tenga mo, sarado na yung pag-iisip mo.

“So, this is so sad, kasi ganun lang yung tingin nila sa akin.”

CARMINA VILLARROEL on being a mother

Kung mayroong nang-aakusa sa kanya, meron ding ipinagtanggol si Carmina.

Reaksiyon niya rito, “Of course, of course, and I appreciate all of them.

“Sa lahat din, that’s why yun yung sinasabi ko, na hindi ko kailangang magsalita.

“Because yung mga taong nakakilala sa akin, or yung mga loyal fans namin, they answer for us.

“So… and I appreciate them, nagpapasalamat ako.

“Again, yung dun sa nagsasabi na, although luma na naman siya, it’s…. it’s an old issue na, ‘Pakialamera, ganyan-ganyan,’

“No, I’m just being a mother.”

Kumusta naman sina Mavy and Cassy?

Sagot ni Carmina, “Wala akong problema sa mga anak ko.”

Pinag-uusapan ba nila ito sa kanilang pamilya?

“Yes, before. Now, hindi.

“Yung dati lang, because yun yung time na when it all started, napag-usapan namin.

Carmina Villarroel: “Meron lang gusto talagang manira sa ’kin at sa pamilya ko” | PEP Interviews

“Well, this is showbiz life, you know, we know the truth, and yun lang naman ang importante, yun ang lagi ko sinasabi sa kanila.

“‘Basta tayo as a family, we’re intact, nagkakaintindihan tayo, alam natin kung ano yung totoo.

“‘Oo, masakit na, kung anu-ano sinasabi sa atin, tinitira tayo na ganito, na ganyan, matapobre, na tarararara.’

“Teka, saan ba nanggaling yung matapobre? Ganun ba ako kabilyonaryo para maging matapobre?

“Yung parang… I don’t know.”

CARMINA VILLARROEL ON ABOT-KAMAY NA PANGARAP ENDING

Samantala, ikinalulungkot ni Carmina ang nalalapit na pagtatapos ng kinabibilangan niyang Kapuso afternoon drama series, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Halos dalawang taon ang kanilang pinagsamahan ng cast and crew, at sa darating na October 19 ay magpapaalam na sa ere ang show.

Sa ginanap na finale presscon ng Abot-Kamay Na Pangarap nitong nakaraang October 2, 2024, naging emusyonal ang maraming cast members, kabilang na si Carmina.

Paliwang niya tungkol sa kanyang pag-iyak: “Ay, kasi emotional talaga ako, e.

“Tsaka ano ako, e, emotional, tsaka clannish, yung very sentimental person ako talaga.

“So, pag binigay ko talaga yung sarili ko, ganun.

“It’s so hard to say goodbye. I hate saying goodbye.

“Kaya ayoko nung mga ganito, especially when you say thank you, di ba?

“Imagine mo naman two years, four times a week. Nag-lock-in pa kami sa Zambales.

“Andami na naming pinagdaanan, alam mo yun?

“Every time mag-i-end yung show, laging, ‘Ay, hindi, may extension na naman.’

“So, alam mo yun, it’s a rollercoaster. It’s a rollercoaster of emotions.

“It’s such a great experience na ayaw mo sanang mag-end. Pero siyempre, parang lahat naman may katapusan talaga, di ba?

“So, yun na lang, e. Wala na akong gagawin.

“Inaano ko na nga sa sarili ko na… October 19 na lang ako iiyak.”

Dagdag pa ni Carmina, “I mean, hindi ko talaga ini-imagine na maiiyak ako.

“Pero siguro because of so much gratitude and ang dami kong… nag-o-overflow sa pasasalamat yung puso ko.”