Vice Ganda on rumors about It’s Showtime: “Kaming lahat, sa rami ng pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, all these challenges and threats together.”
PHOTO/S: It’s Showtime on Facebook
Naniniwala ang TV host-comedian na si Vice Ganda na may gustong sumabotahe para pabagsakin ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Kung kaya’t kung anu-ano raw intriga ang nagsisilabasan tungkol sa kanilang programa at sa mga host.
Sa ginanap na press conference ng It’s Showtime hosts nitong Biyernes, October 11, 2024, para sa papalapit na selebrasyon ng kanilang ika-15 anibersaryo, nausisa sila sa mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa kanilang mga host at programa.
(L-R) It’s Showtime hosts Cianne Dominguez, Lassy Marquez, Jackie Gonzaga, Darren Espanto, Karylle, Ogie Alcasid, Vice Ganda, Ion Perez, Vhong Navarro, Kim Chiu, Jhong Hilario, Ryan Bang, and Jugs Jugueta.
Photo/s: GMA Network on X
Una na rito ang haka-hakang hanggang December 2024 na lang mapapanood sa GMA-7 ang It’s Showtime, matapos nitong umere sa Kapuso network noong April 6.
Ang It’s Showtime ang pumalit sa binakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya, ang isinarang noontime variety show ng TAPE, Inc.
Bukod sa espekulasyong pagkawala nito sa GMA-7 ay ang pag-intriga rin sa asawa ni Vice na si Ion Perez, na diumano’y nabuntis nito ang co-host nilang si Jackie Gonzaga.
Bagamat pinabulaanan na ni Jackie noong October 6 ang isyung ito, hindi pa rin siya tinatantanan ng netizens na pilit siyang iniuugnay kay Ion.
Vice Ganda addresses rumors ABOUT It’s Showtime
Dahil sa hindi matapus-tapos na isyu sa kanilang programa at mga host, minarapat ni Vice na magsalita tungkol dito.
Ayon sa It’s Showtime host, malakas ang pakiramdam niyang gawa-gawa ng trolls ang mga isyu sa kanila para sila ay siraan at unti-unting pabagsakin.
Saad niya: “Well, there really was or there really is a demolition job against It’s Showtime.
“Pero hindi naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling yun. Yung ginagawa sa social media, demolition job yun, hindi ba?
“Yung mga trolls, demolition job yun, e. Meron silang masamang intensiyon at balak kaya demolition job yun.
“Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha din ng iba.
“At para makuha nila yun, kailangan nilang subukan yung ganung ruta. Kailangan nating gumawa ng ganoong paraan baka sakaling mabasag at makuha natin kung anong meron sa kanila.”
Dagdag pa ni Vice, “We just have to deal with it and we just have to keep on going.”
VICE GRATEFUL TO ABS-CBN AND THEIR FANS
Sa lahat ng ibinabatong batikos at fake news sa kanilang programa at mga host, may isa raw na ipinagpapasalamat si Vice.
Ito ay ang patuloy na pagbibigay-tiwala ng ABS-CBN at ang umaapaw na pagmamahal at suporta ng kanilang fans.
Aniya, “Ang maganda kasi, we are surrounded by great people, wonderful management, alam na alam nila kung paano kami tutulungan, i-guide, at itatayo.”
Malaking bagay rin daw na sa lahat ng oras ay magkakasama silang hosts na lumalaban at inaalalayan ang bawat isa.
Pahayag ni Vice: “Kaming lahat, sa dami ng pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, all these challenges and threats together.
“It will be hard kung hindi kami magkakasama. Kaya yun ang lagi naming pinananatili at tinatawid.
“Kailangan magkakasama tayo, kasi kung isa-isa lang, manghihina tayo at baka hindi tayo magtagumpay.
“That is the essence of the strength of this team. We are one, together, against and for everything.”