
Mercy Sunot, one of the lead vocalists of Pinoy rock band Aegis, dies of cancer at Stanford Hospital and Clinics in San Francisco, California, on November 17, 2024.
PHOTO/S: Mercy Sunot Facebook
Sa Pebrero 1 at 2, 2025 ay nakatakdang ganapin ang pre-Valentine concert, na may titulong Halik sa Ulan, ng Pinoy rock band na Aegis.
Pero hindi na kumpleto ang grupo dahil sa pagpanaw ng isa sa mga lead vocalist na si Mercy Sunot.
Pumanaw si Mercy dahil sa cancer sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California, noong gabi ng Nobyembre 17, 2024 (Nobyembre 18 ng umaga sa Pilipinas).
Siya ay 48.
Kinumpirma ng Aegis, sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page, ang malungkot na balita.
Nakasaad dito: “It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.
“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.
“Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.
“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed.”
Nagpahiwatig din ng pagdadalamhati ang kanyang kapatid at kapwa Aegis member na si Juliet Sunot sa Facebook post nito.
Nakasaad dito: “The hardest thing I’ve ever done, I wear a mask from day to day and try to cope in my own way.
“I’ll miss you ‘til we meet again and long for you each day ‘til then.
“There’s now a hole no one can fill within my heart.”
Ilang malalapit ding kaibigan ng Aegis ang nag-post sa Facebook tungkol sa pagpanaw ni Mercy.
Mensahe ni Armida Domalante: “Our hearts go out to the Sunot family and the Aegis Band as we celebrate the remarkable life of Mercy Sunot, an extraordinary vocalist. Her passing is deeply felt and leaves us in awe.”
Ayon naman kay Frankie Ballesteros: “Rest and peace [praying emojis] ate Mercy Sunot. Nakakagulat ka Naman Ang lakas lakas mo na sa mga post mo. condolences sa inyo ate Juliet and ken family sunot…”
Maging ang Love Radio Manila ay nag-post din ng kanilang pagbibigay-pugay kay Mercy.
Sabi nila: “Paalam at maraming salamat sa pagbabahagi ng musika at talento sa bawat Pilipino. Rest in peace, Mercy Sunot ng Aegis!”
Read: Mommy Carol Santos, mas gusto ang Aegis kesa foreign concert artists
MERCY ASKED FOR PRAYERS
Noong Nobyembre 16, sa pamamagitan ng isang social media video post na may hashtags na “BreastCancerWarrior at #LungCancerWarrior, humiling pa si Mercy ng dasal para sa kanyang paggaling matapos sumailalim sa lung surgery sa isang ospital sa Amerika.
Lahad niya, “Tapos na yung surgery ko sa lungs, pero biglang nahirapan akong huminga, so dinala ako sa ICU.
“Tapos ngayon may tubig pala, may inflammation yung lungs ko, so ginagawan na nila ng paraan.”
Dasal ang hiling ni Mercy para matapos na ang mga pagsubok sa kalusugan na kanyang pinagdaraanan.
@mercyofaegis#breastcancerwarrior????#lungcancerwarrior#yourpage? original sound – MERCY OF AEGIS
MERCY’S LAST BIRTHDAY
Noong Nobyembre 6, nagdiwang si Mercy ng kanyang huling kaarawan.
Sa pamamagitan pa rin ng isang video post, ikinuwento niya ang lungkot na nararamdaman dahil nag-iisa lamang siya sa Amerika para magpagamot.
Malungkot na saad niMercy: “It’s my birthday today kaya maaga akong nagsimba. Nagpa-alarm ako ng 6:30 A.M. para magising, maligo, para i-celebrate kong mag-isa ang birthday ko.
“Mahirap, mahirap sa ibang bansa na nag-iisa ka lang. Yung wala kang malapitan, malungkot.
“Iba talaga kapag nasa ibang bansa ka. Solo flight ako.
“Yung gusto kong gawin, hindi ko magawa. Yung mag-celebrate na kasama ang pamilya mo, hindi ko magawa.
“Iba pa rin sa Pilipinas, napagtanto ko na mas masaya sa Pilipinas kesa dito, pero no choice ako dahil kailangan kong mag-stay nang matagal dahil nagpapagamot ako dito.
“Sana, sana gumaling ako ng mas mabilis para makauwi ako ng Pilipinas.”
@mercyofaegisBirthday wish ko sana cancer free nako para makauwi na ng pinas#breastcancerwarrior????#lungcancerwarrior#yourpage#aegisband? original sound – MERCY OF AEGIS
Ilan sa pinasikat na kanta ng Aegis, kung saan kabilang si Mercy, ay ang “Luha,” “Basang-basa Sa Ulan,” “Halik,” “Sinta,” “Natatawa Ako,” at “Bakit.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load