Nora reveals: Sandy Andolong is trying to change this to maintain a good relationship with Nora and her children - News

Nora reveals: Sandy Andolong is trying to change t...

Nora reveals: Sandy Andolong is trying to change this to maintain a good relationship with Nora and her children

Sandy Andolong maintains good relationship with Nora Aunor and her kids

Alamin ang estado ng relasyon ni Sandy Andolong kay Nora Aunor at sa mga anak nila ni Christopher de Leon.

Hindi maipagkakaila na isa sa mga pinakapinag-uusapan na relasyon noon ang pagsasama nina Sandy Andolong at Christopher de Leon. Bago kasi sila maikasal ay naging kasal muna ang beteranong aktor kay Superstar Nora Aunor.

Ayon kay Sandy, maganda naman ang relasyon nila ngayon ni Nora at ng mga naging anak nila ni Christopher.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 4, kinumusta ni Boy Abunda ang relasyon ni Sandy kay Nora. Ang sagot ng aktres, “Ok naman.”

Sandy Andolong maintains good relationship with Nora Aunor and her kids |  GMA Entertainment

Pag-amin niya, matagal na silang hindi nagkikita ng beteranang aktres, ngunit madalas ay nababalitaan niya ang tungkol kay Nora at sa mga anak nila ni Christopher.

“Every time we see each other, ok naman, we’re civil with each other,” sabi niya.

Nang kamustahin naman ni Boy ang relationship niya sa mga anak ni Nora at Christopher, ang sagot niya, “Mahal ko na sila, mahal ko ang mga bata.”

Ikinuwento rin niya ang tungkol sa isang pagkakataon na may sinabi siya noon sa isa sa mga anak nina Nora at Christopher na si Lotlot de Leon. Ayon sa kaniya, birthday noon ni Lotlot nang magpaalam siya sa asawa na ibibigay dito ang regalo ng aktor.

Paglalahad niya, “I went with him, at the time, she was still living with Pilita [Corrales], maliit pa nu’n sina Janine [Guttierez]. So, I greeted her and gave her the gift. And then I told her, ‘I think we need to talk, Lot.’ Alam ko naman, I understand how you feel, but I need you to know, that your mother is your mother, I can never replace her. But I can be a good friend to you.’”

Sinabi rin niya na hindi niya inaagaw ang ama nina Lotlot at na huwag sana nilang isipin na ganun ang ginawa niya.

Simula nito, naging mas mabuti ang relasyon ni Sandy kay Lotlot

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…