Pasabog ni Ogie:Paulo, Janine hiwalay na!

Hiwalay na naman daw ulit ngayon sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Ito ang ibinalita ng tinaguriang Patron ng Hiwalayan na si Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.
Si Paulo Avelino at si Janine Gutierrez ay. . .Nakakaloka, sana hindi totoo. Split na raw ‘yung dalawa. Ulit. Dahil dati, nag-on. Tapos, naghiwalay. Nag-on ulit,” tsika ni Ogie.
“Tapos, ayan, nag-split na naman daw ulit,” dagdag niya.
“’Yan ay sabi lang ng aking nakausap. At ‘yan ay kailangan nating marinig mula mismo sa bunganga ng kabayo. Straight from the horse’s mouth, ‘ika nga,” sabi pa ni Papa Ogs.
Tinanong ni Mama Loi kung ano ang rason at sey ng talent manager/vlogger, “alam mo, parang ano rin ‘to, Bea-Dom. Hindi natin alam kung ano ang rason. Basta ‘yan lang ang nakarating sa atin.”
Ipinauna rin ni Ogie na hindi raw niya ito kinukumpirma.
“Hindi po ‘yan confirmed, ha? Narinig ko lamang po ‘yan,” sambit niya.
At dahil nga nali-link din ngayon si Paulo kay Kim Chiu ay napag-usapan din nila ito.
Sey ni Ogie, kung true na single na raw si Paulo, may posibilidad na maging sila ni Kim.
“Kunwari lamang, granting na single na ulit si Paulo, malamang sa malamang, puwede silang maging mag-on ni Kim Chiu,” sey ni Papa Ogs.
Ayon pa kay Ogie, sakali raw na maging sina Paulo at Kim ay magiging happy raw siya para sa aktres.
“Alam mo, kung magiging sila, magiging happy ako for Kim Chiu. Dahil eto raw mga nakaraan, parang medyo naka-move on na si Kim. At saka madalas daw nangingiti si Kim. At kinikilig si Kim Chiu,” ani Ogie.
Hirit naman ng isa pang kasama ni Ogie na si Dyosa Pocko, “ayun, may nagpapakilig.”
Sey pa ni Ogie, sana nga lang daw ay huwag mapagbintangan si Kimmy na dahilan ng PauNine break-up if ever na totoo nga ang tsika.
“Parang wala naman yatang previous record si Kim Chiu sa ganyan,” sabi pa ni Ogie.
Anyway, matatandaang nagsimulang ma-link sina Paulo at Janine nang gawin nila ang ABS-CBN series na “Marry Me, Marry You.” Pagkatapos ng serye ay nagpatuloy pa rin ang tsismis na may relasyon sila pero never nila itong inamin.
Last year of August nang matsismis na hiwalay na sina Paulo at Janine pero sandali lang daw ito at noong Disyembre ay napabalitang nagkabalikan na sila.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load