Ogie Diaz, nabalitaang muntik nang maging si Kolette ang PBB Gen 11 big winner (PO)

Nabalitaan umano ni Ogie Diaz na muntik nang manalo si Kolette Madelo bilang big winner ng Pinoy BIg brother Gen 11.

Ogie Diaz, nabalitaang muntik nang maging si Kolette ang PBB Gen 11 big winner

Subalit sa mga huling oras ng botohan, bumulusok umano pataas ang mga boto kay Fyang Smith na siyang tinanghal big winner.

“Alam mo may nagbalita sa akin dapat daw sana ang mananalo ay si Kolette. Pero mga last few minutes biglang… (senyas pataas) gumanun daw yung boto para kay Fyang,” ani Ogie.

Dahil dito, hindi maiwasang maglabasan sa social media na maaring ginastusan umano si Fyang lalo na at mayroon na umano itong management sa labas ng bahay ni Kuya

Sinasabi nila na mayaman si Fyang. Talagang sumugal, pati yugn management ni Fyang, talagang nag-invest din. Ay syempre, ganun talaga… Popularity contest yan. Hindi naman sa pag-ano, pero artistahin ‘yung Fyang. Okay yan!”

Gayunpaman, napuri naman ni Ogie si Fyang na aniya’y star material talaga dahil sa mukha pa lamang umano nito ay artistahin na talaga. Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. Sa unang season nito, 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB. Isa sa mga hindi malilimutang tagpo sa katatapos lamang na PBB Gen 11 ay nang makilala na ni Kai ang kanyang tunay na ina. Masasabing hinangaan siya ng marami dahil sa ipinakita nitong reaksyon nang tuluyan na niyang makasama at makilala ang kanyang biological mother. Marami ang naluha umano sa episode na ito dahil na rin sa kabutihang puso na ipinakita ni Kai sa kanyang ina.
Si Kai ay napabilang sa big 4 kung saan siya’y tinanghal bilang 4th big placer. Si Kolette naman ang nakasungkit ng titulong 3rd big placer habang si Rain naman ang pumangalawa sa big winner na si Fyang Smith.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News