Nina, Asia’s Diamond Soul Siren, threatened ba sa bagong singers? (uyen)

Mahigit dalawang dekada na sa local music industry ang Asia’s Diamond Soul Siren na si Nina.

Ano ang naa-appreciate niya sa music ng young singers ngayon? Anong constructive criticism ang mai-impart niya kaugnay sa current music landscape?

“Well, ang naa-appreciate ko sa kanila is like… alam mo yun, parang… it’s all like… the sound is like puro happy,” saad ni Nina sa mediacon noong Oktubre 21, 2024, Lunes, sa Borro restaurant, Sct. Borromeo St., Quezon City.

“May mga beats lahat. Hindi sila yung parang sobrang melancholic na talagang heartbreak.

“May heartbreak yung lyrics nila but at the same time, may beat. So, parang very, very youthful, ganun.

“And siguro yung constructive criticism — huwag naman masyadong very lewd, you know. Ha! Ha! Ha!

“Yung mga lyrics din sometimes, di ba? Sobrang…”

NINA ON SONG LYRICS WITH CUSS WORDS

Ahh, iyong nagmumura?

Tumango si Nina, “Oo, yung nagmumura, and also talks about, you know, like, kahit bata ka pa, parang the ‘s’ word, you know. Yun lang, konting ano lang…”

Maa-assure ba niya na hindi siya aawit ng kantang merong pagmumura?

“Maa-assure ko po, kasi hindi po ako nagmumura. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagmamatwid ni Nina.

“Unang-una, hindi po ako nagmumura. Kaya maa-assure ko po sa inyo na hindi ho ako kakanta ng ganun.”

Iyong ibang singer, mas nae-express nila ang emosyon o heartache kapag nagmumura sila sa kanta…

“Hindi po ako napapamura ng ganun, e. Kunyari, like yung ‘f’ word, ‘Ay fudge!’ Mga ganun lang ako, e,” sey ni Nina.

“Yung ‘s’ word, ‘Ay shucks!’ Mga ganun lang ako. Kaartehan, ganun. Ha! Ha! Ha! Ha!”

NINA’S BIRTHDAY CONCERT

Ang birthday concert niyang Love Nina ay gaganapin ngayong Oktubre 30, Miyerkules ng 8:00 P.M., sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.

Panauhin sa concert sina David Pomeranz, Ian Veneracion, at Randy Santiago.

Sa mga susunod niyang concerts, siyempre pa, malabong kumuha siya ng guest singer na nagmumura ang kanta.

“Kasi parang hindi naman po yun ang crowd ko. Hindi naman din yun ang crowd ko,” mabining sambit ni Nina.

“Parang baka magulat naman sila na ganun. Sorry naman, baka mamaya, may mga nagmumura na mga artist, e, baka sabihin nila…

“Pero baka hindi naman. Kasi, hindi nga ako nagmumura. So, baka hindi ko sila masabayan. Ha! Ha! Ha!”

Ang Love Nina ay handog ng travel agency na Ticket1, sa pakikipagtulungan ng Honeymoon Herbal Tea for Men, at suportado ng Genesis Organic Spirulina.

Na-threaten ba siya sa mga bagong mang-aawit na sumulpot?

“Siyempre pag na-threaten ka sa mga bagong mang-aawit, doon, doon mag-uumpisa kang mabuang, e. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa muli ni Nina.

“Doon ka mag-uumpisang, kumbaga, andami mong iisipin, pero there’s always gonna be new talents, new faces and everything.

“But if you stick to your soul, to your own music and everything, siguro magwu-work yun, e.

“Kasi kung lagi kang looking over your shoulder, parang, ‘May bago? Mas magaling ba siya sa akin?’

“Kumbaga, kung may inggit ka sa katawan mo, e, talagang mawawala ka sa focus.”

NINA ON AGING

Considering na birthday concert ang Love Nina, ano ang thoughts niya sa aging?

“Ako, I believe talaga ever since, to age means to live. Yun lang talaga sa akin,” malumanay na sabi ni Nina.

“Being contented, being happy with what you have now. And not worrying about the future. And not looking back at the past.

“Kasi siguro it works for me, e. Kasi kapag iisipin mo na, ‘Ano kaya ang magiging hitsura ko in the future?’ — masisira lang yung ulo mo if you think what’s gonna happen, e.

“But if you enjoy the moment, enjoy where you are now, enjoy what you have right now, I think it’s gonna show also, it’s gonna reflect.

“And show how you grow with other people.”

Kailan siya magre-release ng bagong original song?

“Andami ko namang nasulat na mga original songs, pero I feel like the timing is not right yet,” tugon ni Nina.

“Kumbaga, hindi ko pa nahanap yung tamang melody for the song, and also kung kailan ko siya ire-release.

“So yun, it’s just there but the timing for me is not right yet.”

Meron na bang pagbabago sa kanyang boses?

Natigilan sandali si Nina bago sumagot, “Paano ko ba sasagutin? Kasi yung iba, sinasabi nila na wala namang pagbabago dun sa boses ko.

“So, hinihintay ko na lang yung comment nila kung nagbago yung boses ko. For me, parang wala naman for now. Sana huwag naman.”

Keri pa niya iyong birit songs? “Kaya pa naman. Sinasabi naman na hindi pa raw nagbabago. So, wait ko na lang yung comment nila kung nagbago na.”

Paano niya inaalagaan ang kanyang boses?

“Unang-una, I don’t smoke. I don’t drink alcohol. And kung kailangan ng sleep, like for my voice, I do it,” lahad ni Nina.

“I eat healthy. Yun talaga, e, yun ang sacrifice talaga. I exercise, yun talaga. So I take care of my health. Yun yon.”

TAKING CARE OF HER HEART

Paano naman niya inaalagaan ang kanyang puso?

“Kapag may nag-aalaga sa puso ko, naalagaan ang puso ko. Wow! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Nina.

“Kumakain nang tama, ganyan, and minamahal ng lahat ng mga tao. Lahat ng mga tao! Ha! Ha! Ha!

“Nagmamahal lang, and being kind to everyone siguro helps para ang puso ay maalagaan, para walang poot and everything is OK, yun lang.”

Title pa lang ng birthday concert niya, punung-puno na ng pagmamahal.

Pag-ayon ng Asia’s Diamond Soul Siren, “Yes! Love Nina, kaya yun talaga. Kasi I have a lot of love to give for everybody. So, yun po.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News