Kim Chiu nalito rin sa kanyang law of classroom
Noong Sabado humingi ng tawad si Kim Chiu sa kanyang pagtatangkang iugnay sa classroom ang ABS-CBN issue.
Ginawa ng aktres ang nakalilito na pahayag sa isang session sa Facebook Live nitong Biyernes, kung saan inusisa niya at ng iba pang mga Kapamilya star ang hakbang na isara ang operasyon ng ABS-CBN.
Sa Instagram, sinisi niya ang kanyang sarili dahil nagpadala siya sa kanyang bugso ng damdamin.
Sumulat siya: “Maraming salamat sa lahat ng nakinig at umunawa sa amin kagabi. Thank you for choosing kindness, empathy and compassion! Maraming salamat po.”
Pagkatapos ay hinarap niya ang kanyang mga kritiko: “Sa sinabi tungkol sa ‘classroom,’ nung binasa ko, hindi ko din naintindihan. Haha! Pareho lang tayo!”
“Parang pagpapasara lang ng NTC sa ABS, ‘di maintindihan. Okay po. Sensya na! Nadala lang ng bugso ng damdamin. Sa dami ng sinabi ko ‘yun lang talaga ang napansin niyo?. Kahit ano paman ang sabihin niyo OKAY LANG PO basta.”
Sa nasabing stream, inilabas ni Chiu na ang ABS-CBN ang nagbibigay sa mga ordinaryong tao ng mga avenues at platform upang makamit ang kanilang mga pangarap at tulungan ang kanilang mga pamilya.
Isa si Kim Chiu sa mga ABS-CBN stars na nagbahagi ng kanyang saloobin, kasama na rin rito sina Coco Martin at Judy Ann Santos.
Ang stream ay ginamit upang maglunsad ng isang online campaign, na tinawag na “Laban Kapamilya,” at hinihikayat ang mga tagahanga ng ABS-CBN na mag-post ng mga larawan online bilang isang simbolo ng pagsuporta.
Panuorin ang video: