Alex Gonzaga seeks apology from insensitive basher (nuna)

Alex Gonzaga reveals seeking apology from basher calling her "baog"

Alex Gonzaga on removing the stigma on women struggling with having a baby: “Kasi, di ba, po sa gender, very sensitive na tayo ngayon, di ba po? Even sa body shaming. Pero bakit sa babae, pag walang anak, parang very loosely ginagamit yung ‘nalaglag,’ ‘baog,’ di ba? Parang dapat we really have to be sensitive about it.” 
PHOTO/S: @niceprintphoto via @cathygonzaga Instagram

Dinemanda ni Alex Gonzaga ang isang basher na nilait siya dahil sa dinanas niyang miscarriage.

Noong October 2021 at October 2023, isinapubliko ni Alex ang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.

Sa halip na respetuhin ang kanyang pinagdaanan, nakatanggap pa raw siya ng batikos at panghuhusga mula sa iba.

“Hindi ako nasaktan, ha, personally po, hindi po ako nasasaktan dun,” umpisang paliwanag ni Alex tungkol sa pagdemanda niya sa basher.

“Pero parang tingin ko kailangang mag-stop yun, pag sinasabihan ka ng ‘baog,’ sinasabihan ka ng ganun.

“Kasi, di ba, po sa gender, very sensitive na tayo ngayon, di ba po? Even sa body shaming.

“Pero bakit sa babae, pag walang anak, parang very loosely ginagamit yung ‘nalaglag,’ ‘baog,’ di ba?

“Parang dapat we really have to be sensitive about it.”

Tingin ni Alex, hindi dapat i-normalize ang tirada sa babaeng nabigo sa pagbubuntis.

“Kasi ako, kaya ko, puwede naman, kasi okay naman iyong ano ng doktor ko,” tukoy ni Alex sa sitwasyon niya na wala raw balakid para sumubok uli na magkaanak.

“Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila yung ganung issue? Di ba?

“Yung talagang para sa kanila is… may mga ganun talaga akong kilala na they can’t even talk about it.

“Pag tatanungin, ko, kasi ako, very casual akong magkuwento. Sila talagang nakikita mong very ano sila, very sensitive about it.”

Respetuhin daw sana ang pinagdadaanan ng mga babaeng gustong magkaanak.

Diin ni Alex: “So naisip ko, dapat we have to be careful na gamitin yung mga words na yun, very loosely [nagagamit] sa mga kababaihan.

“Kasi maraming inner struggles ang mga babae na hindi natin alam.

“Hindi lang for me.”

ALEX GONZAGA OPEN FOR SETTLEMENT

Hiling ni Alex na humingi ng paumanhin ang basher na tinirada ang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.

“Pinapaayos lang namin yung apology niya,

“Ngayon, maglalabas na siya, maglalabas na siya ng kanyang statement niya.

“Hindi ito para sa akin na nasaktan ako. But it’s because gusto kong maging conscious na tayo para maging lesson lang na hindi po dapat ginagamit yung salitang ‘baog, nalaglag.’

“Tapos ang reason lang nila is, ‘Kasi po trending, iyon po kasi yung…’

Patuloy ni Alex: “Ngayon po sa digital world, sensitive na ang mga tao. Ayaw na natin yung bullying.

“Pero dito sa parte na ito sa kababaihan, hindi pa masyadong nabibigyan ng pansin.

“Kaya ko po, nung may nakita akong nagkomento ng ganun, pinakausap ko po sa lawyer.”

Kapag humingi na ng paumanhin ang basher, patatawarin ba ni Alex?

“Oo naman po,” sagot ni Alex.

Dagdag niya, “Pinatawad po namin. Pero kailangan lang niyang maglabas ng apology.”

Ayon pa kay Alex, malaking bagay ang suporta ng kanyang pamilya sa mga pagkakataong nakakaranas siya ng batikos sa social media.

“Siguro may mga times na maapektuhan ka, pero kung malakas nga talaga yung core group mo, like I have my parents, I have my sister, I have my husband.

“Pag binaba mo naman yung cellphone mo, hindi mo na naman ano yun, e. So iyon lang.

“Even my friends na talagang solid, hindi ka naman masyadong masu-sway.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa media launch para sa Chef Ayb’s Paragis tea and capsule na ginanap noong October 11, 2024, sa One Shangri-La Place sa Mandaluyong City.

Kasama ni Alex bilang brand ambassadors ang mga magulang na sina Pinty at Benoy Gonzaga.

ON TONI GONZAGA

Tinanong din si Alex kung nasasaktan siya kapag naba-bash ang ate niyang si Toni Gonzaga.

Pahayag ni Alex: “Hindi, kasi hindi naman nasasaktan ang ate ko, e. Pagka nakita mo ate ko kasi hindi talaga.

“Siguro minsan nasa-shock siya. May mga tao noon, noon pa naman iyon, na-shock siya, ‘Ay nasabi pala sa akin yan!’

“Pero hindi naman ako nasasaktan kasi hindi naman siya nagpapakita nang nasasaktan siya.”

Hindi raw nagpapaapekto si Toni lalo na kung alam nitong walang basehan ang batikos sa kanya.

“Pag naman kasi may isang bagay na hindi totoo, na alam mo naman sa sarili mo [ang totoo], hindi ka naman masasaktan.

“Pero siguro mas masasaktan ka kung yung mga iyon ang sinabi sa akin ng ate ko.

“Mas masasaktan ako kung yung mga [bashers], meron akong relationship.

“Like ikaw ang mambash sa akin, o ang mommy ang magalit sa akin, mas masakit iyon sa akin.”

Sa huli, humirit si alex na mas mature na siya sa pagharap sa buhay.

“Oo, sobrang mature ko na,” bulalas ni Alex.

Sabay pabirong hirit niya, “Kanina nga nagbabasa kami ng mommy ng economy. Stocks, FOREX.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News