Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva
Anthony Jennings: “… humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae.”
Anthony Jennings finally breaks his silence by issuing an apology to onscreen partner Maris Racal and ex-girlfriend Jamela VillanuevaIlang oras matapos basagin ni Maris Racal ang kanyang pananahimik ay nagsalita na rin si Anthony Jennings kaugnay ng kontrobersiyang kinakaharap nila ngayon.
Noong December 3, 2024, sa pamamagitan ng Instagram, isiniwalat ng non-showbiz girlfriend ni Anthony na si Jamela Villanueva ang pagtataksil ng kanyang nobyo noong sila pa.
Natuklasan niya itong mayroong lihim na relasyon kay Maris.
Bilang patunay, naglabas ng screenshots si Jamela ng palitan ng private messages nina Anthony at Maris, kabilang na rito ang ilang maseselang usapan nila.
Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon si Jamela na tapusin na ang halos pitong taon nilang relasyon ni Anthony.
ANTHONY SAYS SORRY TO MARIS AND JAMELA
Sa pamamagitan ng YouTube vlog ng ABS-CBN News ngayong Biyernes ng gabi, December 6, 2024, binasag na rin ni Anthony ang kanyang pananahimik.
Ngunit hindi para ipaliwanag o depensahan ang sarili kundi para humingi ng tawad kina Maris at Jamela.
Kumpara sa 14 minutes and 27 seconds na video ni Maris, tumagal lamang ng 22 seconds ang apology video na ito ni Anthony.
Dito ay sinabi ng aktor na alam niyang nakasakit siya kaya’t lubos daw niya itong pinagsisisihan at inihihingi ng tawad.
Aniya, “Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko, especially po si Maris tsaka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae, and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po.
“Ayun lamang po, sorry po ulit.”
Walang ibang sinabing detalye si Anthony.
Bago pa man sila nagkarelasyon ni Maris ay bukas na si Anthony sa publiko na mayroon siyang longtime girlfriend sa katauhan ni Jamela.
Anthony Jenninhgs (left) and Jamela Villanueva Hanggang noong November 30, 2024, inamin niyang ilang buwan na siyang single dahil hiwalay na sila ng nobya.
Rebelasyon noon ni Anthony, “Yes, hiwalay na kami. Ngayon ko lang din sasabihin kasi months ago na kaming hiwalay ni Jam.”
Saad pa niya, personal issues ang dahilan, at hindi niya agad ito ipinaalam sa publiko dahil sa privacy.
“Si Jamela naman kasi hindi naman siya artista so kini-keep kong pribado yung personal.
“Ako yung may pagkukulang dun. Problema ko yun and dapat ko yun ayusin mag-isa,” sabi niya.
MARIS’ SIDE
Hindi tulad ni Anthony, mahaba at punung-puno ng detalye ang pagsasalita sa publiko ni Maris sa kontrobersiyang kinakaharap nila ng onscreen partner.
Dito, umiiyak na inako ng aktres ang kanyang pagkakamali.
Panimula ni Maris, “Today, I will be speaking from my heart. Lahat ng sasabihin ko ay galing sa puso ko.
“Today, I will take accountability for everything.
“Nagkamali ako and I wanna say sorry for everything that I have done.
Pagkatapos nito ay inilahad ni Maris ang mga kaganapan na nagpalapit sa kanila ni Anthony sa isa’t isa, at naging dahilan ng pakikipag-break niya sa dating boyfriend na si Rico Blanco.
It all started last June of 2024. I was in a very dark place.
“I was lonely and I was getting attention from Anthony. The kind of attention that I needed.
“When I sensed that there was this brewing attraction between Anthony and I, nadala ako sa emotions ko. And I knew that was wrong.
“I came clean right away, I told my ex everything and I admitted things to him. And then we broke up.
“It wasn’t easy. It was very hard for me, too.
“I announced the breakup.
“The reason why I became emotional during the interview [was] because I was holding back the truth. Yun ang totoo.”
“I wasn’t really able to simmer down. I wasn’t able to reflect on what had happened. I was working every day for days straight, weeks straight, months straight.”
Nagsimula ang pagiging malapit nina Maris at Anthony nang maging magkatambal sila sa Kapamilya drama series na Can’t Buy Me Love.
Maris Racal (left) and Anthony Jennings (right)
Photo/s: Maris Racal on Instagram
Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan ay pinagsama silang muli sa upcoming action series ng ABS-CBN na Incognito at sa MMFF 2024 movie ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is..
Dahil sa araw-araw nilang pagsasama sa trabaho ay lalong napalapit sa isa’t isa sina Maris at Anthony.
Inamin ni Maris na tuluyang nahulog ang loob niya sa kapareha, dahil na rin sa ipinapakitang pagpapahalaga sa kanya ni Anthony.
Ngunit paglilinaw ni Maris, hindi raw niya alam na sina Anthony at Jamela noong nagkakalapit na sila ng aktor.
Ang sabi raw kasi sa kanya ni Anthony ay nakipag-break na siya kay Jamela noong mga panahong nakipaghiwalay na rin si Maris kay Rico.
Saad niya: “Bago nagsimula yung dami ng trabaho namin, I told Anthony that I broke up with my ex. And he also said the same thing.
“Mind you, I was in a very lonely place. I’m so lonely.
“I was so vulnerable at that time. Like everybody na kaka-break lang, you would be so vulnerable.
“I was working every day at sa lahat ng trabaho na yon, kasama si Anthony.
“Aaminin ko, sa araw-araw na pagtatrabaho namin, nahulog din yung loob ko.
“He would be very sweet to me. He would be such a gentleman to me.
“He would say things to me. He would kiss me on the set in front of other people.
“He would tell all the people who are close to me that he was single.
“So I was confident to act a certain around him on the set, because in the eyes of the people there, we were both single.”
Dahil alam ni Maris na parehas na silang single ni Anthony, mas lalo raw naging espesyal ang pagtingin nila sa isa’t isa.
Mas lalo raw nila nakilala ang isa’t isa nang magtungo sila sa Italy noong September 2024, kasama ang iba pang cast ng upcoming teleserye nilang Incognito.
Pagtatapat ni Maris, “Dun nag-start naging deep yung pagkakakilala namin sa isa’t isa. I really fell.
“Nung pauwi na kami from Italy, it was my birthday. We were stuck at the airport the whole day.
“He would say things to me that are sweet. He would say promises. We would tell promises to each other.
“And then, nung pauwi na ng Italy, I felt so happy that I had to post something on my IG Story just to appreciate him during that day.”
Ang buong akala raw ni Maris noong mga panahong iyon ay break na si Anthony at ang partner nitong si Jamela.
Lahad ng aktres: “And then pagkauwi ko, I think the next two days, I saw a post or a repost ni Jam on TikTok. Nakita ko lahat yon.
“And at that time, yung time frame na yon, na sa screenshots din na nangumusta ako. I said, ‘Kumusta si Jam?’
“Nangumusta ako kay Jam, it wasn’t because dahil alam ko na sila pa. Dahil alam ko she was going through something and Anthony had to take care of her.
“But at that time, nagtatrabaho pa rin kami and he would still be the same way to me.
“I would ask him, God knows I asked him, ‘Nagkabalikan ba kayo?’ He said no.
“‘Do you still love her?’ He said no.
“He would say things na ako ang gusto niya and all.
“I really asked him so many times.”
Dahil sa patuloy na batikos kay Maris, hiniling daw niya kay Anthony na maglabas na ito ng statement para sabihing wala na sila ni Jamela.
Ngunit hindi raw nagpatinag ang aktor at palaging sinasabi sa kanyang hahanapan niya pa ng tamang tiyempo.
Naniwala at nagtiwala raw si Maris sa sinasabi noon ni Anthony hanggang sa mangyari na ang pagpu-post ni Jamela sa private conversations nila ng aktor na labis daw niyang ikinagulat.
Lahad niya: “Ilang days na ang lumipas, the screenshots.
“When I saw, when I read it, that was 10 P.M. on a Tuesday night.
“When I read it, I was gutted. I was shocked.
“I’m truly, truly embarrassed dahil nakita ng tao lahat ng yon without my consent, against my will.
“I read the screenshots over and over and over again.
Dahil sa mga nabasa niya ay napagtagpi-tagpi raw ni Maris ang mga pangyayari.
“Ang pinaka-shock ako dun, I read it, it was the perfect narrative that there was this other woman, that there was this apologetic boyfriend, and the avoidant boyfriend turns the other woman and the scorned woman.
“That’s the narrative. That’s her [Jamela] side of the story. And there’s nothing wrong with that.
“But this is my side. This is my side.
“And upon reading those screenshots, dun ko napagtagpi-tagpi lahat na kaya pala hindi siya [Anthony] makapag-release ng statement dahil sila pa pala this whole entire time,” saad ni Maris.
Napagtanto rin ni daw ni Maris na pareho silang “clueless” ni Jamela at nagdepende sa mga sinasabi sa kanila ni Anthony.
Aniya: “I didn’t know. I was in the dark. I didn’t know. I had no idea.
“God knows ilang beses akong nagtanong. Ilang beses akong nanghingi ng statement.
“Dun ko rin na-realize, bakit ganun yung actions ni Jam. Now I get her.
“I get her pain. I get her wrath. I get her anger.
“Kaya pala ganun cause she was clueless about everything. I was clueless about everything.
“We both believed kung ano ang mga nasabi sa amin. Maybe iba yung sinabi sa kanya, and I can attest na iba yung sinasabi sa akin.”
MARIS DEEPLY EMBARRASSED BY WHAT HAPPENED; apologizes to jamela
Katulad ni Anthony, humingi rin ng tawad si Maris sa lahat ng mga taong nasaktan, kabilang na si Jamela, at sa mga nakabasa ng mga pribadong mensahe niya kay Anthony.
Pahayag niya: “Hindi ako makapaniwala na mapapahiya pala ako nang ganito sa buhay ko.
“So to the public, I’m sorry that you got to see that very intimate side of me. Ganun talaga ako pag nagbigay ng pagmamahal.
“It was supposed to be private. It was supposed to be a private, intimate thing.
“I’m sad. I’m sad na nakita yon ng tao.
“And yes, I don’t wanna play the victim here. Nagkamali din talaga ako.
“And I wanna say sorry to those people I have hurt.
“I reached out to Jam last November. I did not get a reply. I think that was last November. Because I wanted to know what’s up.
“So, I’m sorry.
“Most especially I’m very sorry, truly sorry to those people who supported me for ten years.
“Alam nilang lahat na ginapang ko yung career ko mapunta lang sa kung saan ko gusto.
“Ginawa ko lahat, pinaghirapan ko lahat. Sa tulong nila nagagawa ko yung mga gusto ko.”
Pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi raw alam ni Maris kung ano ang mangyayari sa kanyang career na pinaghirapan at iginapang niya. Pero tiniyak niyang magpapatuloy siya sa trabaho.
Saad niya: “I don’t know where I’m gonna go. I don’t know saan ako papunta.
“Yung dignidad ko hindi ko na mahanap.
“Whenever I go out, whenever I walk, I feel like I’m a naked woman walking.
“Hindi ko alam ano gagawin ko. I’m so embarrassed.
“And I’m sorry that you get to see that.
“But I can assure you, tuloy pa rin ako. Tuloy pa rin ang laban.
“Magtatrabaho pa rin ako kahit mahirap. Hindi pa rin namamatay ang apoy sa puso ko.”
Sina Maris at Anthony ay parehong nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.