Ang Latvian Single Mother ay Nagpasya na manirahan sa Pilipinas Salamat sa Kanyang Pasyon… Karaoke! /hi

Single mom from Latvia decides to live in PH because of karaoke

Latvian mom living in Germany downloaded a karaoke app. That’s how it started.
Jelena KopilecJelena Kopilec, a Latvian who once lived in Germany, found herself battling feelings of sadness and depression. Seeking a distraction, she downloaded a karaoke app and was captivated by the exceptional singing talent of many Filipinos. This serendipitous discovery sparked her journey to relocate to the Philippines, where she now resides with her two children.Si Jelena Kopilec ay isang European na nagdesisyong tumira sa Pilipinas kasama ang dalawang anak.

Bilang isang content creator, ipinapakita niya sa kanyang videos ang ganda ng Pilipinas at ang simpleng pamumuhay niya sa bansa,

Ilang taon nang nakabase si Jelena sa Samal Island, Davao del Norte.

Siya ay taga-Latvia, nakapag-asawa at nanirahan sa Germany, nagkaroon ng dalawang anak, at na-divorce.

Paano siya napadpad sa Pilipinas?

Kadalasan, nagdedesisyong tumira rito ang mga foreigners dahil sa ganda ng ating bansa, baba ng cost of living expenses, o di kaya ay dahil sa warmth and generosity ng mga Pilipino.

Pero iba ang nag-udyok kay Jelena para dito na manirahan sa Pilipinas: ang karaoke.

Si Jelena ay may 574,000 followers sa Facebook, 180,200 followers at 4.8 million likes sa Tiktok.

Description niya sa kanyang TikTok profile (published as is), “Sharing the beauty and simplicity of everydays in the Philippines.”

Jelena Kopilec singing

Latvian woman Jelena Kopilec discovered so many Filipinos are good singers

JELENA’S OBSESSION WITH KARAOKE

Taong 2022 nang simulan ni Jelena ang kanyang TikTok account na mostly ang content ay tungkol sa pamumuhay niya sa Pilipinas

Noong November 2022, may two-part video content siya na inilahad kung paano nagsimula at nabuo ang kanyang pangarap na tumira sa Pilipinas.

“My story is probably one of the craziest things that can happen to anyone,” parte ng kanyang video.

“I came to the Philippines because of karaoke. Not because of the beaches, waterfalls, or any of the usual things that attract the tourists here, but because of singing.”

Seven years ago, siya raw ay 24 anyos na married woman with two kids sa Germany.

Na-homesick daw siya dahil nasa Latvia ang pamilya.

Para malibang, nag-download siya ng karaoke app kunsaan pwede siyang makipag-duet sa iba pang netizens mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

Sabi ni Jelena, “I’ve loved singing since I was born, whether I’m at home, at work, or anywhere else. I’m always singing, which annoys people around me sometimes.”

Sa karaoke app, libu-libo ang kanyang nakilala at napansin niyang 80% ng users ay puro Pilipino o overseas Filipino workers (OFW).

Wala raw ideya noon si Jelena kung nasaan ang Pilipinas.

“I started singing in the app and made many amazing Filipino friends. We connected on Facebook and I started observing how they lived simply, but happily.”

Sa social media, natunghayan daw niya ang maraming Pilipino na nagpapakita ng kanilang simpleng pamumuhay araw-araw: kumakain nang sama-sama, nagkakantahan sa videoke o karaoke, kahit sa mga lamay.

Nakaramdam daw siya ng kagustuhang makapunta sa Pilipinas.

Nagustuhan din daw niya ang OPM songs kahit hindi siya nakakasalita ng Filipino language.

Isang kanta ang bumighani sa kanya nang husto kaya inaral niya ito at kinanta nang paulit-ulit sa loob ng isang linggo.

Ito ay ang “Kung Sakali” ni Michael Pangilinan.

Lumipas man daw ang ilang taon ay memoryado pa rin ni Jelena ito.

At simula raw noon ay nagtuloy-tuloy na ang pagkahilig niya sa OPM songs.Jelena KopilecJelena fell in love with the Philippines and everything about it, even its exotic tropical fruit marang

GOING TO THE PHILIPPINES

Hindi raw pabor ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay nung nagdesisyon siyang tumira sa Pilipinas.

Lahat daw ng mga sinabihan niya ay tinawag siyang “crazy” at hindi niya dapat ito gawin dahil “too dangerous,” “too far,” at hindi puwedeng makipagsapalaran kasama ang kanyang dalawang anak.

Sa mga tinanong daw niya, wala sa kanila ang may alam sa pamumuhay sa Pilipinas.

“All they know is that it’s dangerous,” ani Jelena.

“Back then, even my sister thought that Philippines was all jungle, snakes, earthquake, heat, and war.

“People in Germany told me, ‘You will be kidnapped and sold as soon as we stepped on Filipino soil.’

“They said there’s no way we’d return to Europe alive if I left alone with two kids.”

Pero desidido raw si Jelena.

“I was really scared, but my desire and determination to come to the Philippines were so strong that I knew I had to come.”

Two years old lamang daw noon ang kanyang bunsong anak na lalaki, habang four years old ang panganay na babae.

Jelena Kopilec, kids in carabao cart

Jelena with her two kids on the carabao dragging a cart. 
Photo/s: Jelena Kopilec on Facebook

MOVING MOUNTAINS TO PURSUE HER DREAM

Pero ang isa pang problema ni Jelena ay wala siyang ipon.

Sumali pa nga raw si Jelena sa isang radio show sa Germany para manalo sa isang contest na tutupad sa wish ng winner.

At sa loob ng maraming taon, hindi niya binitawan ang pangarap na ito. In-encourage din daw siya ng mga kaibigang Pilipino na tuparin ito.

“I knew it wouldn’t be easy, but I was determined to move mountains to get to Philippines with my children.”

Makalipas ang apat na taon mula nang mabuo ang desisyong tumira sa Pilipinas, lumipad sa Pilipinas si Jelena bitbit ang dalawa niyang anak.

Ang tanging baong pera daw niya noon ay $1,000 o halos PHP60,000.

Hindi tinukoy ni Jelena kung anong taon siya dumating sa bansa, pero 2022 nong nagsimula siyang mag-upload ng content ukol sa pamumuhay niya sa Pilipinas.

Pagtapak daw ni Jelena sa bansa, naramdaman niyang tama ang naging desisyon niya.

Jelena Kopilec cooking

Jelena adjusting to the ways of the Filipino life. 
Photo/s: Jelena Kopilec on Facebook

Inalala pa niya na nung mapadpad sila sa Davao kung saan sila unang tumira ay nagkasakit pa sila at isinugod sa ospital.

Pero sinabi niyang parte raw iyon ng journey para mapadako sila sa Samal Island na ngayon ay itinuturing niyang tahanan.

Hindi naging madali para sa kanya, pero hindi niya naramadamang nag-iisa siya at nagkaroon siya ng mga kaibigang naging bahagi ng journey nilang mag-iina.

Sa ngayon, patuloy sa paglikha ng content si Jelena ukol sa pamumuhay niya sa Pilipinas at unti-unting pag-adapt sa buhay ng isang Pilipino.

Nariyan ang pamamasyal sa beach, waterfalls, pagsakay sa kalabaw ng mga anak, pagkain sa itlog na maalat, kare-kare, at siyempre, ang pagkanta sa karaoke.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News