Lotlot de Leon hits back at a basher who claimed she ‘tolerates’ her mother, Nora Aunor – and her powerful response will leave you speechless! (NG)

Lotlot de Leon and Nora Aunor

Lotlot de Leon, pumalag sa basher nang sinabing natitiis niya ang kanyang ina na si Nora Aunor

Tila napuno na ang versatile actress na si Lotlot de Leon nang mag-reply ito sa isang basher niya online. Ang naturang basher ay pinuna ang relasyon niya sa kanyang adopted mother na si Superstar Nora Aunor.

Si Lotlot ay adopted child ng multi-awarded actors na sina Nora at Christopher de Leon. Adopted din ng dalawa sina Matet de Leon, Kenneth de Leon, at Kiko de Leon.

Sa kasamaang palad naghiwalay ang dalawa at na-annul ang kanilang kasal taong 1996.


Agaw pansin ang komento ng netizen sa Instagram post ni Lotlot noong January 10, kung saan na isang selfie at may caption na “Hakuna Matata.”

Binatikos ng isang netizen ang ina ni Janine Gutierrez at sinabihan na “matigas ang puso” dahil natitiis daw nito na hindi makita ang ina.

Ilang beses na napaulat sa mga showbiz website at gossip column na may tampuhan sina Nora at Lotlot.

Pahayag ng netizen, “Matigas talaga puso noh? ‘Di namin alam kung ano ginawa sa’yo ni ate Guy, sobra mo siya natitiis, baka bumalik sa’yo ginagawa mo, pray harder na walang anak mo gumaya sa’yo. Siguro kung ‘di ka niya inampon wala ka sa kalagayan mo ngayon.”

Dagdag nito, “Sa nakikita puro lagi mo binabati CD hindi naman siya ang umampon sa;yo. Nakita namin lahat dinalaw si Ate Guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas?

“Idol kita like kita kahit noon pa bata ka pa kahit na nga ngayon sinusubaybayan kita. Pero ‘di ko mapigilan sabihin ito. ‘Di ko gusto ugali mo. I-unfollow na kita”

Agad na nag-reply si Lotlot de Leon sa mga akusasyon na binabato sa kanya ng basher, pero ramdam na mahinahon pa rin itong sinagot ng aktres.

Tugon ni Lotlot “Ay! Ang puso mo hinay hinay po. Pero teka baka kulang pa po sasabihin n’yo? Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga n’yo? Okay..noted po! Noted na noted po!”

Makikita rin sa comment section na ipinagtanggol din si Lotlot de Leon ng kapatid niya na si Myria Dufresne gamit ang Instagram account nito ang @mrsjdufresne.

Si Myria ay kapatid na babae ng drama actress sa kanyang biological dad na si Donald Lee Olson.

Sabi nito sa basher, “You don’t know her on a personal level, so don’t be rude! Do you want people to think you’re rude to everyone you talk to in public that you don’t know and you only have a spectator view of? Well this is how you achieve that public opinion!

“You have no idea what goes on in the family, so please keep your nasty grams to yourself! My sister has a very loving heart and she deserves nothing but the best!”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News