Paulo Avelino asked about co-parenting status with LJ Reyes

Paulo Avelino confirms communication with 11-year-old son with LJ Reyes.
Paulo Avelino and LJ Reyes
“Sa ngayon nasa New York siya kung saan nanggaling si LJ. Happy naman siya at nag-aaral

siya ngayon. Phone calls every now and then kung kailan siya free,” says Paulo Avelino abo his son with LJ Reyes.

Sa mga pagsasamang nauwi sa hiwalayan at may batang sangkot, napakahalaga ng maganda at smooth-sailing na co-parenting agreement sa pagitan ng dalawang dating magkarelasyon.

Hindi man mauwi sa pagbabalikan o maging sa pagiging magkaibigan, importante ang presensiya ng ama at ina sa buhay ng kanilang anak.

Sa kaso ng ex-couple na sina Paulo Avelino at LJ Reyes, kamakailan ay napag-alamang may pagkakataong nagkausap ang dalawa dahil sa 11-year-old son nilang si Aki.

Sa virtual mediacon ng Season 2 ng Mary, Marry Me na ginanap ngayong Miyerkules, Nobyembre 10, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang co-parenting nila ni LJ.

Ang tanging isinagot ni Paulo ay may komunikasyon sila ng anak na si Aki kahit na nasa New York ito.

Sabi ni Paulo: “Sa ngayon, nasa New York siya kung saan nanggaling si LJ.

Happy naman siya at nag-aaral siya ngayon. Phone calls every now and then kung kailan siya free.

“Since baliktad din ang oras, minsan masyado nang late din para makausap ko siya.”

Paano sila nagba-bonding mag-ama?

Sagot ni Paulo, “Usually, ang bonding namin, gaming lang talaga.

“Lumaking mahilig din sa games anak ko. Siguro nagmana rin sa akin.”

Hindi na nausisa pa si Paulo dahil limitado ang oras sa pagtatanong at likas na mailap ang aktor pagdating sa kanyang pribadong buhay.

Sa panayam ni Boy Abunda noong Oktubre, si LJ ang nagbanggit na nakipag-ugnayan sa kanya si Paulo upang kumustahin ang kalagayan nila ni Aki.

Ayon sa Kapuso actress, sinabi ni Paulo sa kanya na alam nito ang mabigat na pinagdadaanan niya at kung may kailangan siya para kay Aki ay magsabi lang dito.

Noong Agosto nagtungo si LJ sa New York matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng partner of six years na si Paolo Contis.

Kasama ni LJ ang anak nila ni Paolo na si Summer, at bitbit din ng aktres si Aki.

LJ Reyes with son Aki and daughter Summer

PAULO ON JAKE’S CAR CHASE WITH POLICEMEN

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph, hiningan ng reaksiyon si Paulo tungkol sa police chase incident na kinasangkutan ng close friend niyang si Jake Cuenca.

Sabi ni Paulo, “Well, mabait naman na tao si Jake ever since kung nakilala mo siya, nakausap mo siya.