HOT: GMA changes broadcast time to Gma-7, there will be a shocking condition/hi - News

HOT: GMA changes broadcast time to Gma-7, there wi...

HOT: GMA changes broadcast time to Gma-7, there will be a shocking condition/hi

Paglipat Ng Its Showtime Sa Gma-7 May Isang Kundisyon Ang GMA!

Usap-usapan ngayon sa social media ang posibilidad na mailipat sa GMA Network ang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime na kasalukuyang umiere sa subsidiary channel ng GMA7 na GTV. 

Marami ang naku-curious kung ano ang magbabago sa show kung sakaling sila ang papalit sa nabakanteng timeslot matapos ma-call off ang Tahanang Pinakamasaya.

May mga nag-aabang kung sinong Kapuso host ang maidadagdag sa It’s Showtime family at sino sa mga ito ang magpapaalam na sa nasabing show.

May posibilidad rin naman umano na hindi totally na tatanggalin ang ibang host subalit magkakaroon na ng salitan sa kung sino ang lalabas sa partikular na araw.

May mga usap-usapan rin na tanging sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario at Vhong Navarro lamang ang palaging mapapanood sa show muli lunes hanggang sabado.

Samantala, may mga naniniwala naman na kung ito rin man ang mangyayari sa show sa kanilang paglipat muli ng ibang network ay huwag nalang dahil hindi na muling masisilayan na kompleto ang It’s Showtime family.

Naniniwala naman ang ilang mga netizens na hindi papayag si Vice Ganda kung mababawasan lamang sila ng myembro dahil nauna nang ipinahayag noon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na kuntento na siya sa mga kasalukuyang hosts ng show.

Naunang pumutok ang balitang papalitan ng It’s Showtime ang Tahanang Pinakamasaya nang maibahagi ito ng kilalang showbiz insider at talent manager sa kanyang Showbiz Updates vlog.

Sa ngayon ay wala pa naman umanong kumpirmasyon patungkol sa balitang ito at kung totoo mang papasok na sa main network ng GMA ang dating nasa katapat na show’ng It’s Showtime.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…